Asong namataang naka-helmet sakay ng motorsiklo, tinawag na disiplinadong rider

  • Nag-viral sa social media ang isang alagang aso na naka-helmet sakay ng motorsiklo
  • Maraming netizens ang natuwa at tinawag na mas disiplinado pa ito kaysa sa ibang mga tao
  • Bukod sa eksenang ito ay kinaaliwan din ang pagiging mataba ng aso na nakadagdag sa pagiging cute nito

“This friendship is fur real.”

Imahe via Freepik

Marami sa mga animal lovers ang kayang magpatotoo sa kasabihang ito patungkol sa kanilang personal na relasyon sa mga alagang hayop, at lalo na sa mga aso na itinuturing natin na man’s best friends.

Mapapansin din na sa panahon ngayon, hindi na lamang basta-bastang “friendship” ang mayroon sa pagitan ng mga tao at mga aso. Karaniwan na ang pagturing natin sa kanila bilang mga anak kaya naman nauso ang mga katagang “fur parents” at fur babies.

Ayon pa sa iba, may mga pagkakataon na ang mga aso ay mas higit pa sa ilang mga nakakasalamuha nating kapwa tao. Sinasabing sila ay mas malambing, mas mapagkakatiwalaan, at minsan pa ay mas disiplinado kaysa sa atin.

At ang halimbawa nito ay ang nag-viral na post sa Facebook ng isang aso na naka-helmet sakay ng motorsiklo.

Imahe via Margeon Aguillon | Facebook

Sa larawan na inupload ng netizen na si Margeon Aguillon ay makikitang nakasakay ito sa harapan ng motor. Pareho silang naka-helmet ng kanyang amo na tila may binili lamang.

Bukod sa nakatutuwang eksena ay kapansin-pansin din ang malusog na aso na nakadagdag sa pagiging cute nito.

Base sa isang komento na mababasa sa nasabing post ay taga-Bohol ang mga ito na minsan ay nakikita sa Alturas Mall.

“Taga Bohol po sila. Minsan nakikita ko sila sa Alturas Mall, minsan bandang Shoppers. Cute ng aso na yan. Sobrang healthy, ang Taba”

Imahe via Margeon Aguillon | Facebook

Mapapansin din sa comments section ang isang netizen na nilagyan ng helmet ang kanilang alagang aso.

“Mabuti pa ang aso disiplinado naghe-helmet. Yung iba na nasa position pasaway.”

“Hala ka baby! May helmet ka nga, wala ka naman license hahaha lagot!”

“Ang lusog, ang sarap tingnan alagang-alaga talaga!”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: