Aso, sikat sa social media dahil sa galing ng pag-eemote sa camera: amo, may pagbubunyag

  • Isang asong pak na pak ang galing sa pag-emote sa camera ang kinaaaliwan ngayon ng mga netizens
  • Parang professional model itong mag-pose
  • Ngunit may pagbubunyag pala ang may-ari na ikinagulat ng mga netizens

Mahilig ka bang kumuha ng litrato ng aso mo?  Karaniwan na ang nga cute na imahe ng mga aso na tila nakangiti, nakalabas ang dila, naka nganga, nakatagilid ang mukha o ‘di kaya’y nakalabas ang ngiipin. Ang mga ito’y nakagigigil naman talagang tingnan .

Imahe courtesy of Alaniz Litao via Facebook

Subalit may isang larawan na pumukaw talaga sa atensyon ng mga netizens  dahil sa kakaibang pag-project nito sa camera.

Ipinost ng Facebook page na Anything Lokal ang larawan ng isang asong Pinoy. Halos kulay gatas ito at may nakatayong mga tenga. Nakahiga ang aso at parang pinagkrus ang dalawang mga binti sa harapan. Nakadagdag pa sa emotera nitong pose ang pagtagilid ng mukha  habang nakatingin naman at tila nangungusap ang mga mata sa camera.

Kung ihalintulad sa tao, mukhang professional model ang dating nito.

Ngunit may ibinulgar ang may-ari na si Alaniz Litao. “ Sikat na ang baby boy ko. Thank you Anything Lokal for posting my baby.”

Hala! Lalaki pala ang aso. Hahaha. At ang pangalan niya ay GD. Nagkataon lang siguro na medyo mahinhin ito kaya ganoon maka-emote na talagang pak na pak sa galing.

Imahe via Anything Lokal | Facebook

Gayun pa man, nagdulot ng aliw ang kanyang mga litrato sa social media kaya naman umabot na sa 29k ang reactions, 9.1K comments at 50k shares. Naging daan din ito upang ibida naman ng mga netizens ang larawan ng kanilang mga alaga na magaling din sa pag-eemote. ‘Yung iba naman, ginuhitan ng kilay si doggy na lalong nagpa-awra sa kanya at nagpa-level-up ng attitude. Hahaha.

Sana’y simula pa lang ito ng mga susunod na kaabang-abang na litrato mo, GD. “Yan ang asong Pinoy, kayang makipagsabayan din sa ibang mga lahi sa galing.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: