2-in-1 pet? Manok na inakalang shih tzu, usap-usapan sa social media

  • Trending ngayon sa social media ang litrato ng isang manok na sa unang tingin ay aakalain mong shih tzu
  • Sa sobrang haba kasi ng puting balahibo nito, halos ‘di na mapansin ang kanyang ulo
  • Maraming netizen naman ang naaliw sa viral post at inakalang aso nga ang naturang manok

Isa sa mga pinakapaboritong aso ng mga Pinoy ang shih tzu. Bukod kasi sa malambot nitong balahibo at maliit na katawan, napakasarap ding makipaglaro sa asong ito lalo na’t para lang siyang “stuff toy” na gumagalaw.

At dahil nga sa pagkahumaling ng mga Pinoy dito, naging usap-usapan ang kumakalat na social media post tungkol sa litrato ng isang manok na mistulang naging kahawig ng isang shih tzu! Sa sobrang haba kasi ng mga balahibo, halos tumugma na sa isang ganap na aso ang pormahan ng manok.

Public Domain Image

“Manok pala ‘to akala ko shih tzu,” pahayag ng uploader na si Gabriel Yumping sa caption ng kanyang Facebook post nitong ika-6 ng Pebrero 2020.

Agad nakapukaw ng atensyon ang post ni Gabriel kaya makalipas lang ng ilang oras ay umani na ito ng libu-libong reactions at shares. Bukod pa rito, sinimulan na rin ng mga netizens na i-tag ang kani-kanilang kamag-anak at kaibigan para ipakita ang binansagan nilang “ShiNok” o “ChickTzu”.

Sa katunayan, ilan din sa kanila ang nabiktima ng mapaglinlang na itsura ng manok dahil sa pag-aakalang aso nga ito.

“Bago ko basahin ang caption akala ko aso hahaha,” komento ni Rein Serrano.

Biro naman ni Joshua Rae Macaya sa kanyang kaibigan, “Pre baka ito yung nawawalang aso n’yo.”

 

 

 

Panalo naman ang comment ng isang netizen na nagsabing hindi na raw s’ya kakain ng manok kung ganitong ka-cute ang makikita n’ya. “Hahahaha kung ganyan ka-cute lahat ng chickens di ko na sila kakainin,” pahayag ni Marianne Antonio.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 54,500 shares at 21,800 reactions ang post ni Gabriel. Patuloy din ang sunud-sunod na pag-komento at tags ng netizens dito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: