
- Isang lalake ang nakatanggap ng water tank kapalit ng naipong game tickets mula sa paglalaro sa amusement center
- Ito ay naipapalit sa halagang 122,520 na game tickets
- Ang featured post na ito ng Tom’s World PH ay nakatanggap ng mga positibong komento mula sa mga netizens
Bahagi ng childhood nating maraming Pinoy ang pinakaaasam-asam na oras ng pagpunta sa mga amusement centers kasama ang ating mga magulang o kaibigan.

Ang mga gaming centers gaya ng Tom’s World at Timezone ay kilala sa bansa bilang isa sa mga puntahan sa mga shopping malls.
Ang mga arcade games gaya ng Donkey Kong, Tekken, Pac-Man, at iba pang mga laro na makikita sa mga lugar na ito gaya ng Just Dance at Hot Shot ay hindi lamang kinaaaliwan ng mga bata kundi pati na rin mga matatanda.
Bukod sa dulot na saya ng pagpunta sa mga lugar na ito ay mayroong mga game tickets na kapalit matapos ang bawat game. At marami sa atin ang talaga namang sineryoso ang pag-iipon ng mga ito.
Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang lalaking nagngangalang Richard Fajardo na nakatanggap ng water tank kapalit ng kanyang naipon na 122,520 game tickets.

Sa post na ito ng Tom’s World PH, maraming netizens ang humanga kay Richard sapagka’t hindi nga naman madali ang makaipon ng ganoon karaming tickets.
Bukod pa rito, ang nasabing water tank ay isang hindi pang-karaniwang bagay na ipinapalit sa mga game amusements gaya nito.
Ipinapalit ni Richard ang kanyang mga tickets sa branch ng Tom’s World sa SM Cebu City. Bukod pa sa kanya ay makikita rin sa Facebook Page ng nasabing amusement Center ang isa ring lalake na ipinapalit ang kanyang game tickets sa isang gas range.

Ang ilan sa mga komento ay:
“Sobrang inspiring ! Sana balang araw makapag-redeem din ako kahit chocolate bar lang.”
“Wow! Yung gold card ko sa Timezone since 2011-present, never nagpapanalo sa akin ng ganyan. Hahaha congrats kuya! Sadyang arcade is life“
“Hahaha! This guy won a water tank from his arcade tickets while we struggle to redeem a single pen.”
Suki ka rin ba ng arcade? Kung oo, aba’y mag-ipon na ng tickets!