Yorme Isko, VM Honey pinangunahan ang paglulunsad ng all-in-one ID cards para sa allowance ng mga SCs, PWDs at solo parents

Imahe kuha mula sa video ni Isko Moreno Dumagoso via Facebook
  • Inilunsad ni Mayor Isko Moreno ang PayMaya-enabled ID cards para sa mga senior citizens, PWDs, at solo parents ng Sta. Cruz, Maynila
  • Ang programang ito ay magbibigay ng P500 na buwanang allowance sa mga miyembro

Matapos ibinalita ni Mayor Isko na tuluy-tuloy na nga ang pagbibigay ng P1,000 buwanang allowance para sa mga estudyante ng pampublikong unibersidad ng Maynila, hatid naman niya ang magandang balita para sa mga senior citizens, PWD at solo parents.

Imahe kuha mula sa video ni Isko Moreno Dumagoso via Facebook

Nagpunta sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna sa Sta. Cruz, Maynila upang pangunahan ang paglulunsad ng all-in-one ID card katulong ang PayMaya para sa benepisyong matatanggap ng mga senior citizens, PWDs at solo parents na buwanang allowance na P500.  Ang City Oridinance 8565 na ito ay pirmado na ni mayor noon pang Hulyo 2019 at nakatakdang ipatupad Enero ngayong taon.

Sa PayMaya enabled-IDs, hindi na kinakailangang pumunta pa sa city hall upang makuha ang pondo. Ibinahagi rin ng kompanya kung paano ito gamitin online bilang pambayad ng mga bills gaya ng kuryente.

Para lehitibong masasama sa programa, kailangang isang rehistradong botante at nakatira sa Maynila ang ang miyembro.

Ang pagbibigay allowance sa mga senior citizens ay kasama na sa plataporma ni Mayor Isko na ipinangako niya noong eleksyon. Ngunit nabatid niyang marami rin palang solo parents na nagtitipid at PWDs na nangangailangan din ng tuloing kaya isinama rin sila sa programa. Isang bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan ng Lungsod ng Maynila para rito.

Imahe kuha mula sa video ni Isko Moreno Dumagoso via Facebook

Sabi ni Mayor Isko sa kanyang mensahe, “Did you remember when I said, ‘Dadalhin ko ang Makati sa Maynila?’ “

Noon pa man bukambibig na niya na kokopyahin niya kung ano ang magagandang programa mayroon ang Makati.

“ I copy good governance,“ wika niya. noon.

Matapos ang pag-anunsyo, dumiretso si mayor sa ATM ng Landbank of the Philippines para magwithdraw gamit ang ID card at matagumpay naman nitong nakuha ang pera.