Teacher’s pet? Dinalang tuta ng estudyante, inalagaan ng kanilang guro

  • Viral ngayon sa social media at tampok sa iba’t ibang media outlets ang kuwento ng estudyanteng nagdala ng tuta sa kanilang paaralan
  • Sa kuwento ng kaniyang kaklase, wala raw umano kasing magbabantay sa alaga nilang aso kaya dinala niya ito sa loob ng kanilang silid aralan
  • Ngunit imbes na magalit, inalagaan pa umano ng kanilang guro ang nasabing tuta

Dahil sa pagiging popular ng social media ngayon, madali na lamang ang makapagbahagi ng mga nakatutuwang kuwento na posibleng maging viral.

Imahe mula Freepik

 

At kapag naging viral ang isang post —litrato man, video, o kuwento— ay may pagkakataon na maaari din itong maitampok sa iba’t ibang FB pages, media outlets, o sa mga programa sa telebisyon tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ngunit bukod sa mga nakaaaliw na kuwento, hindi rin maiwasan na mag-viral ang mga kuwentong hindi maganda ang hatid na mensahe. Habang ang iba namang humihingi ng tulong para sa mga may karamdaman ay nagiging viral din.

Imahe mula kay Liza Arambulo via Facebook

Hindi lamang mga tao ang maaaring mag-viral sa social media kundi pati na rin mga lugar na dinarayo ng mga turista at maski mga hayop.

Kamakailan, naging viral ang litrato na ibinahagi ng isang netizen tungkol sa alagang tuta na dinala ng kaniyang kaklase sa kanilang paaralan.

Sa post ni Liza Arambulo, na mayroon na ngayon sa Facebook na mahigit 43,000 reactions na puro “heart” at 40K shares, ibinahagi niya ang litrato ng kaniyang guro at ang tutang nakatayo sa lamesa nito.

Imahe mula kay Liza Arambulo via Facebook

Ani Arambulo, dinala umano ng kaniyang kaklase ang nasabing tuta dahil wala raw maiiwan sa kanilang bahay upang magbantay dito. Pagkatapos noon ay kinabahan ang kanilang klase dahil baka raw mapagalitan sila ng kanilang guro kapag nakita ang tuta.

Ngunit sa kanilang pagkabigla, “dog lover” pala ang kanilang guro na inalagaan pa ang tuta at hinayaang magpirme sa teacher’s table habang siya ay nagtuturo sa klase.

Ani nga ng mga netizens, literal daw umano na “teacher’s pet” ang nasabing dalawang buwang gulang na tuta na may pangalan na “Nomo.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: