Turista, nasaktuhan ang pagputok ng Bulkang Taal habang nagsi-zipline

Images via Kenneth Andrei's Facebook video
  • Hindi inasahan ng marami ang biglaang pagputok ng Bulkang Taal kamakailan sa Batangas
  • Sa mga taong naroroon at maging sa mga karatig-pook, isa lamang iyong ordinaryong araw ng Linggo; araw ng pamamasyal, araw ng paglilibang
  • Isa sa mga taong ito ang turistang napansing nagsi-zipline sa isang video na kuha noong nag-uumpisa pa lamang ang nangyayari sa bulkan

Isa lamang iyong normal na hapon sa Batangas. Hindi inasahan ng marami ang biglaang pagputok ng Bulkang Taal.

Image via Kenneth Andrei’s Facebook video

Sa mga taong naroroon at maging sa mga karatig-pook na madalas pinupuntahan ng turista, isa iyong ordinaryong araw ng Linggo; araw ng pamamasyal, araw ng paglilibang, araw ng pagsasama-sama ng mga taong madalas walang panahon kapag karaniwang araw na mayroong pasok sa paaralan at trabaho.

Isa sa mga naglilibang noong araw na iyon ang turistang napansing nagsi-zipline sa isang video na kuha noong nag-uumpisa pa lamang ang nangyayari sa bulkan.

Sa video na ini-upload ni Kenneth Andrei sa Facebook, makikita ang unti-unting pagputok ng bulkan habang sa taas naman ay dumaraan ang nagzi-zipline, halatang walang ideya sa magaganap na kalamidad noong una at naisipan pang gawin ang nasabing aktibidad.

Sa Twitter, kung saan nai-upload ng isang netizen ang video, napansin ng social media users ang taong ito. Iba-iba ang kanilang mga naging reaksyon; may mga natawa, may mga natakot.

Ayon sa tweet dito: “ang totoong issue dito ay… bakit may ateng nag zizipline??!”

May mga humiling na sana ay maayos ang lagay ngayon ng taong ito at hindi nagkaroon ng anumang trauma sa kanyang naranasan. Napakahirap daw kasi isipin na nasa ere ka habang may ganoong nagaganap sa ibaba.

As of posting, wala pa ring nakaaalam kung sino ang nagsi-zipline at kung kumusta siya pagkatapos ng karanasang iyon. Patuloy naman ang hiling ng mga tao na sana ay matapos na ang nangyayari sa bulkan at makabalik na sa normal ang lahat.

I-click ang imahe para mapanood ang video:

I-click ang imahe para mapanood ang video