
- Good vibes ang hatid ng isang viral video kung saan makikita ang kakaibang pamamahagi ng donasyon para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal
- Sa halip kasi na gumamit ng ordinaryong kanta bilang background music, graduation march ang naisipang patugtugin ng mga taga-Batangas
- Marami ring netizens ang naaliw dito at nagsabing patunay ito na sa kabila ng trahedya ay nakukuha pa ring magpasaya ng mga Pinoy
Mistulang dumadalo sa isang graduation ceremony ang nangyaring pamamahagi ng relief goods sa mga taga-Batangas. Habang tugtog kasi ang graduation march, isa-isang tinatawag ang pangalan ng mga residenteng makatatanggap ng donasyon.

Ito ang naisipan ng mga Batangueno upang kahit papaano ay makapagdala sila ng ngiti sa kapwa. Malaking bagay na rin daw kasi ang simpleng pagpapasaya nila lalo na’t kinakailangan ng mga apektadong residente na bumangon mula sa pinsala ng Taal.
Biro nga ng uploader ng video na si Nheil Benedict, parang naulit na naman ang graduation dahil sa eksenang ito. Mabilis ding nag-viral ang kanyang post dahil sa good vibes na hatid nito. Marami ring netizen ang nag-share ng naturang video sa Facebook para ipakita ang pagiging masayahin ng mga Pinoy sa kabila ng mga trahedya sa buhay.
Komento pa ng ilang netizen, napakagaling ng humor ng mga Batangueno at talagang nakaka-good vibes ang kakaibang istilo nila para mapasaya ang mga nangangailangan ng tulong. Humanga rin ang iba dahil sa tibay ng loob ng mga taga-Batangas at maituturing na “optimism at its best” din daw ang hatid ng video na ito.

Sa ngayon, nasa mahigit 22,000 views na ang post ni Nheil na ibinahagi na rin ito sa Go Batangas Facebook page.
Maaari niyong panoorin ang nakakaaliw na video sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: