Trapikong mula sa puso: SLEX nag- trending dahil sa traffic na dala ng mga sasakyang may dalang relief goods

Images via Twitter and Pixabay
  • Nag-trend sa popular microblogging site na Twitter ang “SLEX” dahil sa trapikong bunsod ng napakaraming sasakyan na tumungo ng Batangas at Cavite nitong Sabado, Enero 18
  • Napuno ang nasabing daan ng mga sasakyan na may dalang mga donasyon para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal kamakailan
  • Samantala, nagpasalamat naman ang ilang mga taga-Batangas sa mga tulong na natatanggap nila

Sa halip na mainis, naantig ang marami sa mabigat na daloy ng trapiko sa South Luzon Expressway (SLEX) nitong Sabado, Enero 18.

Image capture from Twitter

Sa iba’t ibang social networking site–kabilang na ang popular microblogging site na Twitter, kung saan nag-trend pa ang “SLEX”–ay nagpahayag ng tuwa ang mga netizen matapos malaman na ang trapiko sa nasabing daan ay bunsod ng napakaraming sasakyan na tumungo ng Batangas at Cavite para magdala ng mga donasyon para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal kamakailan.

Isa sa mga nakapansin ng pagte-trend ng SLEX ang Facebook page na Earth Shaker, na nagbahagi pa ng screenshot mula sa Twitter trends.

Saad nito, “SLEX is trending, not because of some accident, but because of the huge number of vehicles going to Cavite and Batangas to bring relief goods for Taal eruption victims! The team will also embark on our journey South later tonight.”

Samantala, sa pamamagitan ng social media ay nagpasalamat naman ang ilang mga taga-Batangas sa mga tulong na kanilang natatanggap.

“From us Batangueños, salamat po nang marami,” kumento ni Ailyn Mandigma.

“From me, a Batangueño, thank you for coming to our province and helping our kabayans in need. I am overwhelmed by the response by our countrymen, from Ilocos Norte, Isabela and Benguet, all the way down south in Davao City. The bayanihan spirit is alive and well in this country,” wika naman ni Benedict Exconde.

Image capture from Facebook