TJ: Magulo iyong mundo but whenever I see KZ, she’s God’s guarantee na life is good

  • Sa tuwing titingnan ang kanyang mapapangasawa na si KZ Tandingan, naiisip daw ni TJ Monterde na “life is good”; ito ay “God’s guarantee” raw para sa kanya
  • Para naman kay KZ, “worth the wait” si TJ; ang “the one” na hinintay niya umano sa loob ng 23 taon
  • Ibinahagi ni Monterde bago matapos ang taon na engaged na sila ng kanyang pinakamamahal

Sa popular OPM singer na si KZ Tandingan daw nakikita ng kanyang fiance na si TJ Monterde ang kapanatagan sa isang magulong mundo.

Image capture from YouTube | ABS-CBN

Sa isang recent episode ng Tonight With Boy Abunda, inalayan ng kanta nina TJ at KZ ang isa’t isa. Matapos kantahan ang kapareha gamit ang mismong kanta na isinulat niya, sinabi ni TJ na si KZ ay itinuturing niyang “God’s guarantee”.

“‘Yon ang part ng song na iyon. Importante sa akin ‘yong ‘you are God’s guarantee’ kasi magulo iyong mundo but whenever I see KZ, she’s God’s guarantee na, ‘Life is good, this is the woman I gave you,'” aniya.

Para naman kay KZ, “worth the wait” si TJ; ang “the one” na hinintay niya raw sa loob ng 23 taon.

“Since first boyfriend ko, parang 23 years old ako noong naging kami so parang I waited 23 long years for this guy. And I’m thankful na God didn’t allow me to go through a lot of heartbreaks bago ko nahanap si TJ,” aniya, sabay sabi kay TJ na: you are worth the wait.

Sa pamamagitan ng dalawang Instagram posts bago matapos ang taon, ibinahagi ni Monterde ang tungkol sa engagement nila.

“THIRTY ON THIRTY! Thank You, God, for every breath You’ve given me. Thank You, God, for the balance and harmony. Thank You, God, for the moon, the stars, and the sea,” saad niya sa caption ng una niyang Instagram post na naglalaman ng mga litrato niya. Sinundan ito ng post kung saan niya ibinahagi ang tungkol sa engagement nila.

“And thank you, God, for my wife to be,” wika naman niya sa kasunod na post, kalakip ang kanilang litrato nang mag-propose siya.

Images via KZ Tandingan and TJ Monterde | Instagram

Loading...
Source :

YouTube, Buzz DF

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: