Tignan: Movie Marathon para sa mga Taal evacuees sa Batangas State University

Imahe mula kay Lenette Cleofe Buquid at Karen Caiña | Facebook at Instagram
  • Ayon sa Phivolcs, mapanganib pa rin ang maaaring dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal kahit nagpapakita ito ng mahinahon na mga aktibidad nang mga nakaraang araw
  • Ang mga evacuees ay nananatili pa rin na pansamantalang naninirahan sa mga evacuation centers malayo sa Taal
  • Ang pagkakaroon ng movie marathon sa evacuation center sa BSU ang isa sa mga paraan upang maaliw ang mga Batangueño

Sa kabila ng nararanasang pananahimik ng Bulkang Taal nitong mga nakaraang araw, patuloy pa rin ang paalala mula sa ahensya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagkakaroon ng posibleng malakas na pagputok nito. Kung kaya naman ay nakataas pa rin sa alert level 4 ang bulkan.

Imahe mula kay Dante Pamintuan | Instagram

Dahil dito, ang mga naninirahan malapit sa Taal lalo na ang mga nasasakop ng 14-kilometer radius ay nananatili pa rin sa mga mas ligtas na evacuation centers.

Mula sa ating mga telebisyon, radyo at social media ay ating nasasaksihan ang mga kaganapan sa mga nasabing evacuation centers pati na mga kalagayan ng ating mga kababayang apekatado ng kalamidad na ito.

At nakatutuwang makita ang mga social media posts na nagpapakita ng mga good vibes na kaganapan sa mga evacuation centers kagaya ng mga nakakaaliw na mga aktibidad ng mga namamahala para sa mga evacuees.

Isa na nga sa mga trending posts ay ang imahe na kuha ng Facebook user na si Lenette Cleofe Buquid. Sa kanyang post ay makikitang nanonood ng pelikula ang mga evacuees na nasa Batangas State University (BSU).

Imahe mula kay Lenette Cleofe Buquid | Facebook

Ang pelikula ay pinapalabas mula sa malaking screen na nasa stage ng gymnasium ng BSU.

Ito ay nakatanggap ng maraming positibong komento mula sa mga netizens. Ayon sa mga komento ay isa itong magandang paraan upang kahit papaano ay mabalin ang kanilang isip mula sa kasalukuyan nilang kalagayan.

“Para di rin nila maisip ang trahedya sa lugar nila. Mabuhay BSU!”

Imahe mula kay Lenette Cleofe Buquid | Facebook

Ilan pa sa mga komento mula sa mga netizens ay:

“Ay iba talaga dine sa amin sa Batangas”

“Salamat sa inyo BSU! Nandyan yung pinsan ko, isa sila sa mga evacuees dyan mula sa Barangay Iba, Taal, Batangas”

“Wow! Mas maigi din mga Ka-Batang kung balita ang ipapalabas para updated din sila sa mga nangyayari.”

Sources: Facebook ABS-CBN News Instagram