
- Pagkatapos pagtuunan ng pansin ang kaniyang career, may bagong plano ngayong taon ang aktor na si Alden Richards na tiyak na pakaaabangan ng marami
- Sa isang interview kasi, inamin ni Alden na ngayon na ang panahon upang siya umano ay maghanap ng magiging nobya
- Sa unang buwan pa lang ng 2020 ay marami nang blessing sa kaniyang career ang dumating kay Alden
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa programang Eat Bulaga para lang mapanood sina Alden Richards at Yaya Dub na si Main Mendoza o mas kilala sa love team na AlDub na namayagpag sa telebisyon noong 2015?

Hindi maipagkakaila ang naging “chemistry” nina Alden at Maine sa nasabing programa na gumawa ng “Kalyeserye” para sa dalawa. Kaya naman milyon-milyong Pinoy dito at sa labas ng bansa ang nag-abang sa kakaibang love story ng dalawa na nagsimula lamang nang hindi inaasahan.
Dahil sa AlDub nation, mas nakilala ang aktor na si Alden at sumikat naman ang kilala lang noon sa social media dahil sa kaniyang mga dubbed videos na si Maine Mendoza. Ngunit sa paglipas ng panahon pagkatapos ng kanilang Kalyeserye, ay nagkaniya-kaniya nang tahak sa showbiz ang dalawa.
Nagkanya-kaniya man sila ay nanatiling pa ring host sina Alden at Maine sa Eat Bulaga. Ngunit hindi na sila pinagpapares pa ‘di tulad ng dati. Nobyo na ngayon ni Maine ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde, habang nag-focus naman si Alden sa pag-arte.

Noong nakaraang taon, namayagpag sa big screen si Alden dahil sa kaniyang box office hit movie na “Hello, Love, Goodbye” kasama ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo. Kasunod nito ay ang kaliwa’t kanang roles na inalok sa aktor, at pinagbidahan din niya ang programa sa GMA na “The Gift.”
Pagkatapos pagtuunan ng pansin ang showbiz career, plano naman ngayon ng aktor na maghanap ng kaniyang love life. Inamin niya ito sa isang interview sa Chika Minute ng GMA News “24 Oras.”

“Siguro to find a partner sooner, soon, ganiyan… Prospect naman, siyempre hahanap pa lang, January pa lang eh. Ngayon, ito na ang time. This is the time,” ani Alden.
Bukod sa pagiging host ng “All-Out Sundays,” magiging host din si Alden sa isang singing competition para sa mga bata na pinamagatang “Centerstage.”
Swak naman umano ang pagsisimula ni Alden bilang host sa Centerstage dahil nalalapit na rin ang pagtatapos ng taping nila ng “The Gift,” na ipinagmamalaki ni Alden dahil sa magandang kuwento.