Teknik kung paano mapapatingin ang mga alagang aso sa camera, ibinahagi ng netizen

Imahe mula sa Jack and the Balbons page via Facebook
  • Problema para sa mga pet owners kung paano nila mapapatingin sa camera ang mga alaga
  • Ngunit isang Facebook page ang nagbahagi ng teknik kung paano mapapatingin ang mga alagang hayop tulad ng mga aso sa camera
  • Ang teknik kasi na ito ay paglalagay ng pagkain sa mismong camera upang mapatingin sila dito

Isa na marahil sa kinakaharap na problema ng mga pet owners na mayroong cute na mga alaga ay ang pagkuha ng litrato sa kanila.

Imahe mula sa Jack and the Balbons page via Facebook

Di tulad kasi ng mga tao, normal na magalaw at hindi naman sanay magpa-picture ang mga alagang hayop. Kaya naman kapag kinukuhanan sila ng litrato ay karaniwang hindi sila nakatingin sa camera.

Bukod sa hindi sila makatingin sa camera ay hindi rin kayang manatili sa isang lugar ng mga alagang hayop. Kaya naman kapag kinukuhanan sila ng litrato ay karaniwang blurred ang mga ito.

Ngunit sa Facebook page na Jack and the Balbons, ibinahagi nila ang isang simpleng teknik para mapatingin sa camera ang mga alagang hayop tulad ng mga aso.

Itinatampok ng FB page na Jack and the Balbons ang iba’t ibang breed ng alaga nilang aso. Ibinabahagi nila ang mga cute na litrato at nakatutuwang video ng mga ito. Ngayon ay mayroon nang mahigit 130,000 likes ang nasabing page.

Imahe mula sa Jack and the Balbons page via Facebook

Sa isa nilang post, ipinakita nila ang teknik kung paano mapapatingin ang mga aso sa mismong camera. Sa unang litrato ay makikitang wala sa focus ang mga aso sa camera. Ngunit nang lagyan ng pagkain ang mismong camera ay napatingin ang mga ito dito.

Marami namang netizens na may mga alaga ang natuwa sa ibinahaging “pet hacks 101″ ng page. Napansin nila na ang lahat ng mga aso sa litrato ay tila naka-smile at nakalabas ang dila. Aba, pagkain lang pala ang makagagawa nito.

Yun pala ang sekreto!”

“May suhol pala eh ang cute naman!”

“Kaya pala nakatingin sa camera eh my foods pala haha” Kaya’t ang sigaw ng marami:  “Matry nga yan!”

Imahe mula sa Jack and the Balbons page via Facebook