Tapat na pulis Baguio nagsauli ng bag na may lamang pera, may-ari ng bag, malaki ang pasasalamat

  • Nalaglag ang bag ni Wilfredo Gatchalian sa Baguio noong Disyembre
  • Naibalik ito sa kanya nang buo sa tulong ni Police Officer Buhong
  • Malaki ang pasasalamat ni Wilfredo sa pulis na nakatanggap din ng papuri mula sa mga netizens

Isang pulis Baguio ang nakatanggap ng papuri at pasasalamat mula sa isang negosyante dahil sa pagsauli nito ng nalaglag niyang bag noong Disyembre.

Imahe via Wilfredo Gatchalian | Facebook

Kuwento ni Wilfredo Gatchalian sa kanyang post sa Facebook, nahulog umano ang kanyang bag sa Baguio noong Disyembre 28, 2019. May laman itong P20k cash, credit card, passbooks, passport, spare key ng sasakyan at driver’s license. Kaya malaki ang pasasalamat niya kay P/lt Buhong sa pagiging tapat nito at naibalik lahat ng laman ng kanyang bag.

Hindi na inakala ni Wilfredo na maisasauli pa ito. Aniya, “Nanlulumo na nga po ako tapos bigla nag-chat sa kin napulot daw bag ko. Hindi ko na nga ineexpect na mababalik pa eh.  Napakabait ng mga pulis doon. Strict pero mabait.”

“Sana lahat ng pulis ganito,” ayon sa kanyang post. Dagdag pa niya, “Binibigyan ko si sir ng reward pero ayaw pa niya tanggapin. Labis-labis ang pasasalamat ko sa iyo at sampu ng mga kasama mo sa police station 3 ng Baguio City. Nawa’y marami ka pang matulungan na nangangailangan.”

Imahe via Wilfredo Gatchalian | Facebook

Marami ang natuwa sa post ni Wilfredo. Umabot ito sa 1.4K likes at 119 shares. Tumanggap ng papuri ang pulis sa social media.

“Sana mabasa ka ng ulan at nang dumami pa katulad mo sir Bhong of Baguio police. Mabuhay po kayo at mga kasama ninyo. P’re swerte ka mabait mga police Baguio. Kudos, sir.”

“Wow! That’s something worth emulating! Congratulations PO Buhong, another feather on the cap of PNP Cordillerans!”

Si P/lt. Bhong Jdt Buhong ay mula sa Bili Amduntog Asipulo, Ifugao.

Saludo kami sa iyo, Officer Buhong!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: