Sweet Corn: Tsitsirya na lasang mais, paborito noon ng mga batang 90s

Image via Mr. Funanimous | WordPress
  • Isa ang Sweet Corn sa mga tsitsirya na naging paborito noon ng mga batang 90s
  • Bukod sa masarap at mura, marami rin laman ang sweet corn-flavored snacks na ito
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang tsitsiryang naging malaking bahagi ng kanilang kabataan

Naging malaking bahagi rin ba ng iyong kabataan ang sweet corn-flavored snacks na Sweet Corn? Kasama rin ba ito sa mga binabalik-balikan at paulit-ulit mong binibili noon sa tindahan.

Image capture from Facebook

Isa ang Sweet Corn sa mga tsitsirya na naging paborito noon ng mga batang 90s. Bukod sa masarap at mura, marami rin laman ang tsitsiryang ito. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang tsitsiryang naging malaking bahagi ng kanilang kabataan.

“Elementary days! Isa sa paborito kong tsitsirya. Nakaka-miss sobra!” kumento ng Facebook user na si Norel Desiree Basa.

“Favorite ko ‘yan noong elementary. Minsan pinupukpok ko iyan para maging pino,” kuwento ni Aldrin Verbo Tapaya.

“Isa iyan sa mga paborito kong tsitsirya,” pagbabahagi ni Lanzky White.

Wika naman ni Gina Javier, sa kanyang anak siya naengganyo na tangkilikin ang produktong ito. Aniya, noong bata pa ‘yong dalawang anak ko, bumili ako ng ganyian para sa kanila pero nang matikman ko ay nagustuhan ko rin.”

Ang iba sa kanila, hanggang ngayong tumanda na ay paborito pa rin daw ang snack na ito na mabibili pa rin sa grocery stores at iba pang tindahan. Hindi raw ito nawawala sa kanilang listahan ng ipamimili kahit pa marami nang bago at kilalang snacks na nagsipagsulputan. Pagbabahagi nila, hindi lamang ito basta pagkain–espesyal ito dahil sa dami ng mga alaala ng kabataan na nakakabig na rito.

Image capture from Facebook

Ikaw, naging paborito mo rin ba ang Sweet Corn? Ano ang hindi mo makalilimutan sa pagkaing ito?