
- Ikinalungkot ng aktres na si Yasmien Kurdi ang nangyari sa Tagaytay matapos pu
mutok ang Bulkang Taal - Sa Instagram, binalikan ng aktres kung ano ang naging papel ng Tagaytay sa mga Pamilyang Pilipino
- Ngayong labis itong napinsala dahil sa naganap na pa
gsabog ng bulkan, ang hiling ng aktres ay makabangon sana ang nasabing lugar at nawa ay maibalik pa ang dati nitong ganda
Kabilang ang aktres na si Yasmien Kurdi sa mga kilalang personalidad na may mga espesyal na alaala mula sa isa sa mga pinakamagagandang pasyalan na hindi ganoon kalayo sa Maynila — ang Tagaytay.

Dahil dito, hindi na napigilan ng aktres na malungkot sa nangyari sa lugar na ito matapos pumutok ang Bulkang Taal kamakailan. Sa pamamagitan ng isang litrato nilang mag-asawa na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, binalikan ng Kapuso actress kung ano ang naging papel ng Tagaytay hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa maraming pamilyang Pilipino.
Ngayong labis itong napinsala sa naganap na pagsabog ng bulkan, ang hiling ng aktres ay makabangon sana ang nasabing lugar at nawa ay maibalik pa ang dati nitong ganda.
“#Throwback photo. Sana malampasan ng mga taga-Tagaytay ang pinagdadaanan nila ngayon, at maibalik agad ang ganda ng lugar dahil ito talaga ang favorite destination ng mga Pamilyang Pilipino tuwing weekends,” saad niya sa caption ng larawan.
Dagdag pa ni Yasmien, isa rin ang Tagaytay sa mga memorable places para sa kanilang mga parte ng Kapuso series na Beautiful Justice, na nagsimula lamang umere sa Philippine television nitong September 2019.
“Paboritong shooting location ng #BeautifulJustice,” pagbabahagi niya.
Nilakipan ng aktres ang kanyang post ng mga hashtag na #WeLoveTagaytay, #KapitLang, #PrayForTagaytay, #PrayforBatangas, #PrayforthePhilippines, at #PrayfortheWorld.

Sino ba naman nga ang hindi malulungkot sa nangyari sa isang napakagandang lugar na naging kanlungan na ng magagandang alaala sa loob ng maraming taon?