Sa unang kagat, chocolate lahat: Netizen nakabili ng kakaibang Kit Kat

Imahe mula Facebook at Instagram
  • Ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng tsokolateng kaniyang binili, ngunit nagulat siya nang ito’y hatiin
  • Ang Kit Kat kasi na kaniyang nabili ay walang wafer sa loob at purong chocolate, kilala naman ang Kit Kat na gawa sa wafer at chocolate
  • Marami namang netizen ang natuwa at sinabing swerte ang nakabili nito, habang may iba naman na pareho ang naranasan

Bagamat ang pagkain ng maraming tsokolate ay maaring magdulot ng pagtaba at mga karamdaman, mayroon naman itong magandang benepisyo sa katawan basta’t balanse lamang ang pagkain nito.

Imahe mula Kit Kat via Instagram

Marami ang tumatangkilik sa tsokolate dahil sa tamis ng lasa nito. Mayroon din namang iba’t ibang klase nito tulad ng white, milk, at dark chocolate.

Ayon sa pag-aaral na inulat sa Medical News Today, mayroon umanong hatid na antioxidant ang tsokolate na naghahatid ng iba’t ibang benepisyo sa ating katawan. Ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon umano ng aktibong utak at pagbawas sa pagkalimot ng mga matatanda.

Dito sa Pilipinas, kalimitang kinakain ang tsokolate bilang panghimagas. Iba’t ibang brand rin ng tsokolate ang mabibili dito. At isa sa mga tinatangkilik na tsokolate ay ang Kit Kat.

Imahe mula Kit Kat via Instagram

Kilala ang Kit Kat chocolate dahil sa kakaibang lasa nito na pinaghalong wafer bar at tsokolate. Ngunit paano kung ang inaasahan mong lasa ng Kit Kat ay biglang magbago?

Sa ibinahaging larawan ng netizen sa Facebook group na What’s Your Ulam Pare, ipinakita niya na ang biniling Kit Kat ay walang wafer sa loob kundi purong tsokolate.

Nilagyan ito ng caption na: Unang kagat chocolate lahat, walang wafer. Makikita naman sa pakete ng biniling Kitkat na dapat ay may wafer ito sa loob.

Imahe mula Facebook

Halo-halo naman ang reaksyon ng netizen tungkol sa Kit Kat na ito na walang wafer. Sinabi ng iba na bihira lamang ito mangyari kaya’t napaka swerte ng makakakuha. At sulit umano dahil tulad ng nakasaad sa pakete, “more chocolatey.

Habang ayon naman sa iba, kailangang i-report ito sa Kit Kat dahil depektibo ang kanilang producto. Mas masarap umano ang mayroong wafer kaysa sa purong tsokolate.

Ikaw, anong mararamdaman mo kung ganitong Kit Kat ang iyong mabili?