
- Nagsalita na si Nadine Lustre tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ng nobyong si James Reid
- Hindi umano totoo ang mga paratang na sila ni James ay hiwalay na, at wala rin umanong katotohanan ang mga lumalabas na ulat tungkol sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan
- Para patotohanan na hindi pa sila hiwalay, magkasamang umakyat ang JaDine sa Mt. Ulap sa Benguet kamakailan

Isa ka rin ba sa mga naniwalang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre o mas kilala sa tambalang JaDine?
Sa umpisa pa lang kasi ng taon ay kumalat na ang bali-balitang breakup ng dalawa na nag-ugat dahil sa pag-alis umano ni Nadine sa bahay na tinitirahan nila ni James sa Quezon City.
Habang may ibang ulat naman na nagsabing may mental illness ni Nadine kaya nagkahiwalay sila ni James, na siyang naging dahilan upang magsalita na si Nadine tungkol sa sa balitang hiwalayan ng JaDine.

Kamakailan ay itinanggi ni Nadine ang mga paratang ng kolumnistang si Ricky Lo tungkol sa paghihiwalay nila ni James.
Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Nadine, “First off, that was so low, Second, none of what you said was true and it is never okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental illness is a very sensitive matter.”
Dagdag pa niya “And last, you think you know so much about me, you can’t even get my last name right. Anu na, 2020 na!”

Ito ang unang pagkakataong nagsalita ang isa sa JaDine tungkol sa isyung hiwalayan. Matatandaang sa Instagram din unang naghinala ang ibang netizens na hiwalay na nga sina James at Nadine dahil sa mga captions ng dalaga.
Ngunit upang patunayang “going strong” pa rin ang relationship ng JaDine, magkasama silang umakyat sa Mt. Ulap sa Benguet.
Sa IG posts ng kasama nilang kaibigan na umakyat sa bundok na si Jeriko Tan, makikita ang group picture nila kung saan magkatabi sina James at Nadine na pareho pang nakaputing damit.
Nilagyan ito ni Tan ng caption na “Started 2020 right. Great views and great company.” At ngayong nagsalita na nga si Nadine at makikitang magkasama pa rin sila ni James, tuluyan na bang maisasara ang isyu tungkol sa kanilang hiwalayan?
