
- Kamakailan ay nagbahagi ng video ang aktor na si Miko Raval habang nasa isang recording studio
- Sumikat matapos gumanap bilang Fabio –o mas tinatawag ng viewers na “Papa Fabio– sa hi
tprimetime series na The Killer Bride - Matatandaang marami ang nalungkot nang yu
mao ang kanyang karakter sa serye
Matapos maging popular matapos gumanap bilang Fabio–o mas tinatawag ng viewers na “Papa Fabio–sa hit primetime series na The Killer Bride, magkakaroon na ng sarili niyang album ang aktor na si Miko Raval?

Sa kanyang Instagram story kamakailan ay nagbahagi ng video ang aktor na si Miko Raval habang nasa isang recording studio.
“Hey, guys, I’m recording my very first album! Abangan ninyo, sobrang ganda nito. Alright! Rock and roll, everybody!” aniya.
Gayunman, noong ibahagi niya ang nasabing IG story sa kanyang Facebook page, ang caption ng video na ini-upload niya ay, “Recording for mall show tomorrow! See you, Team Fabio and CamBio!” Sa kabila nito, umaasa pa rin ang ilang fans na mabibigyan siya ng pagkakataong maging isang mang-aawit dahil kahit nagsasalita lamang siya ay masasabi nang maganda ang tinig nito.
Matatandaang marami ang nalungkot nang yumao ang karakter ni Miko sa serye dahil napakaraming napamahal na sa love team nila ni Maja Salvador; ang tambalang “Cambio” na hango sa mga pangalan nila sa serye na Camila at Fabio.
Sa gitna ng kalungkutan ng fans, tiniyak niya sa isang tweet na bagama’t hindi na nila mapapanood ang karakter ni Fabio ay hindi pa rito natatapos ang kuwento niya bilang aktor. Nagpahayag din siya ng tuwa at pasasalamat sa mga biyayang dala ng role na ito.
“Man down. Papa Fabio is gone,” wika ng trending aktor. “Hindi pa rito nagtatapos ang kuwento. Simula pa lang ito ng mahabang journey natin. Let’s all be thankful na umabot tayo sa point na ito. Maraming salamat sa inyong lahat.”

Isa kaya ang pagiging recording artist at ang pagkakaroon ng album sa mga paparating sa aktor sa hinaharap? Sa pagiging remarkable ng naging pagganap niya bilang Fabio, umaasa ang mga tagahanga niya na mabibigyan pa ito ng napakaraming oportunidad na maipakita ang kanyang talento–sa pag-arte man o sa iba pa–dahil karapat-dapat lamang daw ito para sa isang talented at passionate artist na katulad ni Miko.