Poging pulis sa checkpoint binalikan ng mga humanga upang makunan ng video

Imahe kuha mula sa video ni Gly Servin Bocs via Facebook
  • Nagpakilig sa dalawang babae ang kaguwapuhan ng isang pulis sa checkpoint
  • Bumalik lang naman sila upang makunan siya ng video
  • Sumikat sa social media ang poging pulis na nagpakilig sa mas marami pang iba

Uy, guwapo! Ikaw ba ay napapatingin sa kanila? Para sa mga babae, natural lang ang humanga sa mga naggwaguwapuhang nakikita natin.

Imahe kuha mula sa video ni Gly Servin Bocs via Facebook

Ngunit hindi lahat ng guwapo ay nakikita sa TV.  Ang iba, nasa checkpoint lang pala. Hahaha. Kaya naman patok ang video ni Gly Servin Bocs sa social media. Sa video tumigil ang mga babae at binuksan ang bintana para matingnan ng isang pulis sa checkpoint.

Pagkababa pa lang ng bintana, bumati na agad ang mga babae, “ Hi sir! Kami ulit.”

“Ba’t bumalik kayo, ma’am?” tanong ng pulis.

“Kasi guwapo ka. Hahaha,” kilig na kilig ang mga babae sa pagsagot umano ng tanong niya. Napangiti naman ito, ngiting talaga namang kukurutin ang puso mo sa kilig.  Nagtanong ito kung saan sila papunta.

“Sige, sige ingat, ma’am ha,” paalala nito habang dahan-dahang paalis ang mga babae.

Sumang-ayon nga ang mga netizens sa kaguwapuhan ng pulis sa checkpoint ng Koronadal City. Pero nagdulot din ng katatawanan ang mga naging kumento ng mga ito.

“Tapos pag niloko sasabihin lahat ng mga lalake pare-pareho? Hustisya naman sa aming mga pangit!”

Subalit mayroon namang nagpahayag na nakakawala ng pagod ang ganitong mga paghanga. “Yong iba bitter eh. Buti nga na appreciate yong kaguwapuhan. I’m sure nakatulong ‘yon mawala ang pagod nila.”

“Ayos ‘yan kahit papaano napapangiti sila. Kahit pagod maghapon at least ma-feel nilang may nakakapansin at naa-appreciate sila.” Oo nga naman!

Siya pala si patrolman Glyzzer John Carpizo at miyembro ng South Cotabato Provincial Mobile Force Company. Sa mga nagtatanong kung single pa ba si sir, sorry po, pero taken na daw siya.

mahe kuha mula sa video ni Gly Servin Bocs via Facebook

Ang viral video ay nagkaroon ng 15K reactions, 14K shares

Hindi masamang humanga sa mga magagandang nilikha ng Diyos sa ating kapaligiran. Gawin natin itong inspirasyon upang tayo ay sumaya at ganahan sa buhay. Parang commercvial lang sa TV.

Panoorin ang nakakikilig at nakakatawang video ng mga babae.

I-click ang imahe upang mapanood ang video ni Gly Servin Bocs va Facebook