‘Pinoy Sakuragi, iba magmahal’: ‘Octopus hug’ ni Marc kay Danica, kinakiligan sa social media

  • Kinakiligan ng maraming social media users ang “octopus hug” ng Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris sa kanyang maybahay na si Danica Sotto
  • Sa Instagram, ibinahagi ni Marc ang larawan ng “octopus hug” niya sa kanyang “queen”
  • Kinilig ang maraming netizens dahil sa pagiging sweet pa rin ni Marc sa asawa kahit mahigit 12 taon na silang kasal

Ibang klase kung magmahal — ito ang sabi ng social media users sa tinaguriang “Pinoy Sakuragi” na si Marc Pingris dahil sa patuloy nitong pagiging malambing sa kanyang maybahay na si Danica Sotto na akala mo ay bago pa lamang niyang kasintahan kahit pa mahigit 12 taon na silang mag-asawa.

Image capture from Instagram

At nitong nakaraan, muli na namang nagpakilig ng marami si Marc matapos niyang ibahagi sa Instagram ang tinatawag niyang “octopus hug” para sa kanyang pinakamamahal na kabiyak. Saad niya sa caption ng litrato na nilagyan pa niya ng #myqueen, “Octopus hug! ‘Yan ang masarap gawin sa babae na tulad mo!”

Nag-iwan naman dito ng kumento si Danica, “Luv u.” Marami ang kinilig dahil sa kabila ng dami ng taong pinagsamahan nila ay hindi pa rin daw nawawala ang “spark” at sweetness sa mag-asawa na nagkaroon pa ng renewal of vows noong nakasampung taon na sila.

Sa isang naunang panayam, sinabi ng dalawa na masaya sila na lumampas na sila sa isang dekada bilang mag-asawa. Wika pa ni Danica, “Nakaka-overwhelm ‘yong feeling. Siyempre, sa panahon ngayon achievement na rin iyon na umabot kayo ng 10 years.”

Samantala, payo ni Marc sa mga bago o nagbabalak pa lamang mag-asawa, “‘Pag kinasal kayo, dapat gano’n pa rin.”

“Tama. Iyong mga ginagawa ninyo before, as much as possible, though siyempre minsan nakaka-distract ‘pag may mga bata na dahil sa mga schedule nila, dapat sana magawa pa rin,” pagsang-ayon naman ng kanyang kabiyak.

Ayon nga sa madalas nating naririnig at nababasa,hindi natatapos sa ligawan at pagiging magkasintahan ang tamis ng pagmamahalan.

Image capture from Instagram

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: