
- Isa ang candy-coated peanut na Bobot sa mga nagpatamis ng kabataan ng maraming batang Pilipino noon
- Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, ginunita ng marami ang masasayang alaalang nabuo dahil sa simpleng pagkaing ito
- Samantala, hindi lamang pala ito para sa mga bata; paborito rin ng matatanda
Natatandaan mo pa ba ang lasa ng Bobot, isa sa mga pinakapopular na candy sa mga batang Pilipino noong araw? Kabilang ka ba sa mga nahilig at tumangkilik sa mga candy-coated peanut na ito?

Hindi maikakaila na isa ang candy-coated peanut na Bobot sa mga nagpatamis ng kabataan ng maraming batang Pilipino noon. Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, ginunita ng marami ang masasayang alaalang nabuo dahil sa simpleng pagkaing ito. Hindi lamang pala ito para sa mga bata, paborito rin ito maging ng matatanda dahil sa sarap nito.
“Paborito ko iyan noong bata pa ako,” pagbabahagi ng social media user na si Mhae Tolosa Angelo.
“Ubos lagi baon ko riyan,” pagbabalik-tanaw naman ng Facebook user na si Cris Tine.
“Hahahahaha! Iyong boss namin namimigay tuwing December ng mga kendi,” kuwento ni Starlyn Ladios. “Alam n’yo ba, humihingi rin ako at ‘yan ang una kong hinahanap sa loob ng supot.”
“Nakaka-miss ang mga pagkaing ganiyan,” puna ni Maricris Patigdas. “‘Yan ang coated peanut na may nakasiksik na laruang gold na singsing. Paramihan pa kami niyan tapos ginagawang hikaw at pinagdudugtong-dugtong na parang kadena.”
Marami rin ang nakaabang sa mga “alahas” na kasama nito. Pagbabahagi ni Yashashree Kharishma Yashita, “Gustong-gusto ko iyong may free na singsing. Ang dami kong na-collect dati.”

Ikaw, ano ang natatandaan mo sa old school na candy na ito? Madalas ka rin bang bumili o magpabili nito noon? Nami-miss mo rin ba ngayon na kumain nito?