Pinoy fans ng ‘To All the Boys I’ve Loved Before’, excited na sa pagbisita nina Lana Condor at Noah Centineo sa Manila

Imahe mula sa Facebook | Netflix
  • Excited na ang Pinoy fans na makita sa personal ang stars ng “To All the Boys I’ve Loved Before” na sina Lana Condor at Noah Centineo
  • Inanunsyo kasi ng Netflix na bibisita sina Lana at Noah sa February 15, 2020 para sa isang fan meet na gaganapin sa Glorietta Activity Center
  • Kasabay rin nito ang pag-promote sa sequel nilang “To All The Boys: PS I Still Love You” na magsisimulang i-stream sa Netflix sa February 12, 2020

Siguradong mapupuno ng good vibes at kilig ang Valentine’s Day ng mga Pinoy fans ng “To All the Boys I’ve Loved Before”. Ito’y matapos i-anunsyo ng Netflix na bibisita sa Maynila ang stars ng Netflix hit na sina Lana Condor at Noah Centineo!

Imahe mula sa Facebook | Netflix

Sa post na inilabas ng Netflix noong Miyerkules, January 15, 2020, nakatakdang bumisita rito sina Lana at Noah sa February 15, 2020 para sa isang fan meet kasabay ng promotion ng sequel nilang “To All The Boys: PS I Still Love you”.

Mangyayari ito sa Glorietta Activity Center simula 5:00 p.m.

Dagdag pa ng Netflix, “first come, first serve” din daw ang pagkuha ng entry kaya manatili lang na nakasubaybay sa kanilang official social media accounts para sa iba pang detalye ng fan meet.

Samantala, magsisimula naman ang streaming ng “To All The Boys: PS I Still Love You” sa February 12, 2020. Inilabas ang full trailer nito sa YouTube noong December 19, 2019 at sa kasalukuyan ay umaani na nang mahigit 7.2 million views!

Imahe mula sa video ng Netflix via YouTube

Ang “To All The Boys I’ve Loved Before” at “To All The Boys: PS I Still Love You” ay hango mula sa #1 New York Times best-selling Young Adult romance novel ni Jenny Han.

Umikot ang kuwento sa pagkalat ng love letters ni Lara Jean (Lana Condor) na isinulat niya noon para sa lahat ng kanyang lalaking hinangaan. Isa na rito si Peter Kavinsky (Noah Centineo) na nagpanggap bilang kanyang boyfriend. Sa huli, na-develop ang dalawa sa isa’t-isa at naging totoo rin ang kanilang relasyon na labis na ikinatuwa at kinakiligan ng mga fans.

Ipakikilala naman sa sequel ang bagong character na si John Ambrose na pagbibidahan ni Jordan Fisher. Isa rin siya sa mga sinulatan ng love letters noon ni Lara Jean.

Panoorin ang trailer ng “To All The Boys: PS I Still Love You” sa link na ito: