
- Isang Filipino actress na nakabase ngayon sa South Korea ang nagkaroon ng role sa hit Korean drama na Dr. Romantic Season 2
- Nakasama niya sa kaniyang pagganap ang Weight Lifting Fairy actress na si Lee Sung Kyung
- Bukod sa nasabing hit drama, lumabas na rin sa iba pang mga Korean series ang nasabing Pinay na isa ring theater and film actress
Sa dami ng tumatangkilik at ipinalalabas na Korean TV series dito sa bansa ay maraming Pinoy fans ang natuwa at kinilig nang lumabas sa isang Korean drama ang Filipino actors na sina Lauren Young at Ejay Falcon noong 2018.

Ngunit bukod kina Lauren at Ejay, isa ring Pinoy ang napanood sa hit Korean series ngayon na Dr. Romantic Season 2. Maraming viewers ang nakapansin sa aktres na ito dahil sa kaniyang Pinoy resemblance.
Ang nasabing aktres ay si Cherish Maningat, isang 34 anyos na theater, film, and TV actress na nakabase sa Seoul, South Korea noong pang 2006. Kilala si Cherish sa pangalan na “Cherish Unni” sa social media, at mayroon din siyang YouTube channel.
Gumanap si Cherish bilang pasyente sa nasabing programa at nakasama niya sa isang scene ang kilalang South Korean actress na si Lee Sung Kyung, ang bida noon sa hit series na Weight Lifting Fairy.

Sa interview sa kaniya ng Cosmopolitan, sinabi ni Cherish na nag-audition siya sa role ngunit hindi niya umano alam kung anong programa ito. “I just went there. I read the script and then acted it out in front of the directors and producers.”
Ayon kay Cherish, isa umanong malaking blessing ang pagkakuha niya sa nasabing role. “I feel really blessed that I get the opportunity to work with great actors and actresses here.”

Sinabi rin ni Cherish na bukod sa Dr. Romantic Season 2, lumabas din siya ibang Korean series tulad ng Heart Surgeons, Beautiful Love, Wonderful Life, My Little Hero, Missing, Showdown, Bacchus Lady, Stand By Me, at Romang.
“I will also be in two other movies that are going to be released later this year,” dagdag pa ni Cherish. Tunay ngang nakakabilib ang lahing Pinoy saan mang bahagi ng mundo!