‘Para maging kasing lakas ni Goku’: Naniwala ka rin ba sa kapangyarihan ng ‘magic beans’?

  • Maraming bata noon ang nahilig bumili ng matatamis na beans na kung tawagin nila ay “magic beans”
  • Paniniwala nila, nagagawa ng beans na ito ang mga kayang gawin ng Senzu Beans sa Dragon Ball
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang mga “young once” na ang pakiramdam daw sa tuwing nakakakain nito noon ay nagiging kasing lakas sila ni Goku

May isang partikular na pagkain noon na kinukuhanan daw ng “kakaibang lakas” ng mga batang Pilipino: ang matatamis na beans na kung tawagin nila ay “magic beans”.

Image capture from Facebook

Paniniwala ng mga batang tumangkilik nito, nagagawa ng beans na ito ang mga kayang gawin ng Senzu Beans sa animated series na Dragon Ball.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, nagbalik-tanaw ang mga “young once” na ang pakiramdam daw sa tuwing nakakakain nito noon ay nagiging kasing lakas sila ng Dragon Ball character na si Goku.

“Isa ka rin ba sa mga naniwala noon na magiging sing-lakas mo si Son Goku ‘pag kumain nito?” tanong ng isa sa mga admin ng page.

“Haha! Tama, gamit namin iyan noon para kunwari lalakas ka habang naghahabulan-tulungan,” pagsang-ayon ng social media user na si Cruz Allyson.

“Magic beans nga,” pag-aalaala ni Maya Kenneth De Jesus. “‘Yong second child ko, Goku ang nickname.”

“Oo, magic beans ang tawag namin diyan. Pagkakain niyan, tatalon sa puno na medyo mataas,” kuwento ni Emma Nuelle. “Pagkatapos, pilay. Diretso sa manghihilot. At kapag tinatanong kung bakit ako napilay, hindi ko naman masabi na dahil sa pagkain ko ng magic beans at kunwari ako si Son Goku.”

Samantala, ang iba naman na nahilig sa “magic beans” noon ay hindi na raw makakain nito ngayon. Hindi na raw sila “pinalalakas” ng mga ito ngayon, sa halip ay pinasasakit na lamang ang kanilang mga tuhod.

Image via Fandom

Gayunman, mananatili raw ang mga ito na bahagi ng masaya at makulay nilang kabataan. Sa huli, matamis pa rin…ang mga alaala.


Loading...
Source :

Facebook, Fandom

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: