Panalangin ng 7-anyos na bata para sa mga apektado ng Bulkang Taal, nakaaantig ng puso

Imahe via Carmi Reterta Garcia | Facebook at Bhakta Karl | Facebook
  • Sumulat ng panalangin ang isang pitong taong gulang na bata para sa mga apektado ng Bulkang Taal
  • Ipinost ito ng kanyang ina sa social media
  • Naantig naman ang mga netizens sa kabutihang-loob at pagmamalasakit ng bata

Ang panalangin ang pinakamabisa nating panangga sa panghihina ng ating kalooban.

Imahe via Pixabay

Isinulat ng pitong taong gulang na si Ziv Gabriel ang kanyang panalangin para sa mga apektado ngayon sa Bulkang Taal. Ayon sa kanyang inang si Carmi, dahil wala naman daw silang TV, sa mga kuwentuhan lang at social media nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa paglikas ng mga tao dahil sa pagsabog ng bulkang Taal. Sinabi ng kanyang anak na magsusulat daw ito ng panalangin na kanyang babasahin bago matutulog.

Narito ang sulat ni Ziv:

“Dear God,

Thank you for blessing us for a day. But Lord we have a disaster, a volcanic eruption in Tagaytay. Aid the people in Tagaytay. They don’t have clothes or anything else. And Lord forgive us and bless us. Let the volcanic eruption stop and protect us from ashfall. Do it Lord and we trust you that you can do it. In Jesus’ name, amen.  God bless you.”

Imahe via Carmi Reterta Garcia | Facebook

Ibinahagi ito ng kanyang ina sa kanyang Facebook account.  Natuwa ang mga netizens sa kabutihang ipinamalas ng kanyang anak.

“Wow nman!!! A very humble and sweet prayer. God bless your son!”

“Praise the Lord! I am so blessed as well with my inaanak prayer! Surely, your prayer already heard and answered in Jesus Mighty Name!”

Sa Cavite naninirahan ang pamilya ni Ziv. Nasa mabuting kalagayan naman daw sila at hindi nangangailangang lumikas.

Kasalukuyan siyang nasa Grade 2 at mausisa na raw at matanong siya sabi ng kanyang ina. Nakatutuwa na sa musmos niyang edad, marunong na siyang gumawa ng panalangin at magmalasakit sa iba. Patunay lang ito ng pagiging malapit sa Diyos ng kanilang pamilya.

Maraming salamat sa panalangin mo, Ziv. Nasisiguro naming narinig na ito ng ating Ama.