Pampa-good vibes: Aso na tila ayaw magpakuha ng litrato, kinaaaliwan online

Imahe mula kay Nicole Andrea Capati Izon via Facebook
  • Kinaaaliwan ngayon online ang litrato ng isang aso kasama ang kaniyang amo dahil sa nakakatuwang hitsura nito
  • Ang aso kasi ay tila ayaw magpakuha ng litrato at nakataas pa ang mga mata na tila umiirap sa camera
  • Ayon sa netizens, mukha umanong may “attitude” ang aso at suplada dahil sa mga litrato nito

Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya at social media, karaniwan na ang pagkahilig ng marami sa pagkuha ng mga litrato tulad ng selfie na kanilang ibinabahagi online.

Imahe mula Freepik

Marami sa netizens ngayon ang nagpo-post ng kanilang mga litrato upang makita ng kanilang mga “friends” at “followers” na maaari namang bigyan ng mga ito ng reactions tulad ng “like” o “heart.”

Dahil sa pagkahilig ng marami ngayon sa pagpost ng iba’t ibang litrato sa social media, hindi maiiwasang may ibang litrato ang kakaiba at nagiging viral dahil sa nakakatuwa nitong hitsura.

At sa gitna ng mga kaliwa’t kanang balita online tungkol sa kalagayan ng Taal volcano, mga inililikas na evacuees, mga dumaragsang tulong para sa mga biktima at iba pa, mayroon din namang mga posts na kinaaaliwan ng marami o pangpa good vibes.

Imahe mula kay Nicole Andrea Capati Izon via Facebook

Tulad na lamang ng mga litrato na ibinahagi ni Nicole Andrea Capati Izon sa Facebook group na DOG LOVERS PHILIPPINES. Sa litrato kasing ito ay makikita ang alaga nilang hayop na si “Hachi” na tila hindi natutuwa sa pagkuha ng litrato ng kaniyang amo.

Makikita si Hachi sa mga litrato na nakataas ang mga mata na tila umiirap at ayaw makipagpicture. Nilagyan ito ni Nicole ng caption na: Hay nako Hachi, bakit ganyan naman itsura mo? Gusto lang naman kita picturan.

Ikinatuwa naman ng netizens ang nasabing litrato ni Hachi at sinabing mayroon daw itong “attitude.” Habang mayroon namang nagsabi na may mga aso umanong ayaw talaga humarap sa camera at magpakuha ng litrato. Ngunit kahit mukhang suplada umano si Hachi, ay marami pa rin ang natuwa sa kaniyang litrato.