Palawan kabilang sa 50 World’s Most Instagrammable Places, naungusan ang Milan at Seoul

  • Napabilang sa listahan ng 50 World’s Most Instagrammable Places ang isla ng Palawan
  • Sa listahang ito, nasa pang-36 ang Palawan na naungusan ang tanyag na mga lugar tulad ng Milan (#44) at Seoul (#41)
  • Binase ang listahan na ito sa dami ng hashtags ng bawat litrato kada destinasyon sa Instagram at boto ng travel experts

Maraming mga turista mula iba’t ibang bansa ang dumadalaw dito sa Pilipinas dahil na rin sa dami ng mga kabigha-bighaning tourist destinations na makikita at mapupuntahan dito.

Imahe mula Instagram / @lamochiladesara

Sa katunayan, marami nang artikulo ang naisusulat tungkol sa magagandang pasyalan ng mga turista dito sa bansa. At tampok din ang mga ito sa mga programa sa telebisyon ng ibang bansa.

Ang karamihan sa mga lugar dito na kilala at dinarayo ng mga dayuhan ay ang Boracay, Puerto Princesa, Cebu, at Palawan. Maraming turista ang naaakit sa mga ito dahil sa kakaibang tanawin at natural na ganda ng lugar.

Kaya naman paniguradong mas maraming turista ang pupunta sa mga lugar na ito lalo na sa isla ng Palawan. Dahil nito lamang, napabilang ito sa listahan ng “50 Most Instagrammable Places In The World 2020.”

Imahe mula Instagram / @cammy.potts

Ang listahan na ito ay inilabas ng Global travel site na Big 7 Travel ngayon lamang Enero, at kabilang nga dito ang Palawan na nasa pang-36 sa listahan.

Ngunit ang mas nakabibilib ay naungusan ng Palawan ang ibang mga tanyag na lugar sa ibang bansa tulad ng Milan (#44), Berlin (#45), Budapest (#46), at Seoul (#41).

Ayon sa pagkakalarawan ng Big 7 Travel sa Palawan, ang lugar umano ay “simply perfect.” Ayon pa sa kanila, karamihan ng mga Instagram users o Instagrammers ay pumupunta dito at nagpo-post ng kanilang mga nakabibighaning larawan sa isla.

Imahe mula Instagram / @loris_faedda

Instagrammers have been flocking to it in droves in recent months and the buzz around Palawan is only getting bigger,” ani Big 7 Travel.

Ang listahan ay binase sa dami ng hashtags o # na ginamit sa pagpost ng litrato ng mga Instagrammers bawat destinasyon. Nakalikom umano ng 1.5 million audience members ang Big 7 at bumoto rin ang kanilang panel na mga travel experts.

Nito lamang, napabilang din ang El Nido, Palawan sa “50 Awesome Solo Travel Destinations To Visit In 2020” ng kilalang website na Huffpost.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: