Pagalingan sa diskarte: Ang tamang solusyon sa pinag-aagawang bentilador

Imahe via Lorenz Raphael| Facebook
  • Minsan, may kapisan tayo sa isang kuwarto ngunit nag-iisa lang ang bentilador
  • Ibinahagi ng isang Facbeook user ang paglalagay ng pantalon upang mahati ang hangin sa dalawang natutulog sa kamang double deck
  • Nagbigay ito ng magandang ideya sa iba ngunit may mga natakot at inakalang kalahating katawan ito ng tao

May kapisan ka ba sa kuwarto? Dalawang palapag ba ang inyong higaan? Marahil may mga kapatid ka kung kaya’t hindi ka nag-iisa.

Imahe via Pixabay

Ang ganitong setup ay karaniwan ding napapansin sa mga nag-aapartment o nagdo-dorm. Ngunit paano kung iisa lang ang inyong bentilador? Kanino ba ihaharap ito? May paraan ba kung paano hahatiin ang nag-iisang direksyon ng  buga ng hangin nito?

Para kay Lorenz Raphael, mayroon!

Ibinahagi nito sa Facebook ang larawan ng electric fan kung saan may ikinabit na pantalon. Dadaan ang buga ng hangin nito sa iloob ng pantalon at lalabas sa dulo nito na siya namang nakatutok sa bawat isa. Kaya naman parang ekslusibong nabibigyan nito ng hangin ang bawat isa sa kanila. O ‘di ba? Kaya tinawag niya itong split type electric fan dahil literal nitong hinati sa dalawa ang buga ng hangin gamit ang pantalon.  Puwede pala, ano?

Imahe via Lorenz Raphael | Facebook

Ano naman kaya ang tingin ng mga netizens dito?

May mga napabilib sa diskarteng ito. ”Hahaha. Galing! Magaya nga, “ sabi ni Thea Nicole.

Ang iba nama’y inakalang tao ito na nahulog. “Unang tingin ko, akala ko nahulog,” komento ni Angel Rain Montemayor. Para kasing may tao na nahulog mula sa ikalawang palapag ng higaan at kalahati lang ng katawan ang una mong mapapansin. Hahaha. Nakakatakot nga.

Ganyan talaga ang kabataan. Ang daming naiisip na kung anu-anong diskarte at mahilig mag-imbento. Kaya masaya ring balikan ang mga ganitong karanasan natin noon.  Kahit hirap sa buhay, kaya nating pasayahin ang ating sarili.

Ikaw? Ano ba ang mga kakaibang imbento mo noong kabataan mo?  Nasubukan mo rin ba ito?  Maaaring ibahagi n’yo sa amin sa comments section.