Nostalgia: Mga ‘batang donya’ noong dekada 90, mga ‘gintong singsing’ ang kinokolekta

  • Nauso noong dekada 90 ang mga laruang singsing na akala mo ay totoong yari sa ginto
  • Piso lamang ang isa at may kasama pang maliliit na kendi na nasa isang mahabang lalagyan
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung paano sila nagkunwaring mga donya dahil sa dami ng singsing na kanilang nakolekta

Naging isa ka rin ba sa mga “batang donya” noong araw? Lahat din ba ng daliri mo sa kamay ay nilalagyan mo noon ng “gintong singsing” na nabibili sa tindahan?

Image capture from Facebook

Nauso noong dekada 90 ang mga laruang singsing na akala mo ay totoong yari sa ginto dahil sa hitsura nito. Kayang-kaya itong bilhin ng mga bata mula sa mga baryang hinihingi nila sa kanilang mga magulang, o kaya naman sa mga tira sa kanilang baon, dahil piso lamang ang isa at may kasama pang maliliit na kendi na nasa isang mahabang lalagyan.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami kung paano sila nagkunwaring mga donya dahil sa dami ng singsing na kanilang nakolekta, gayundin ang iba pang mga alaalang kakabit ng mga “alahas” na ito.

“Pakiramdam ko noon ang yaman ko dahil ang dami kong singsing na ganyan,” saad ng Facebook user na si Maria Linda Lucaya.

“Naaalala ko pa noong bata ako, ‘pag nakabibili ako niyan, ako na ang pinakamasayang bata sa balat ng lupa. Pero ilang araw lamang ay wala na ‘yong kinang ng gold,” kumento ni Ikw Ang Aking Pangarap.

“Hahaha naaalala ko ‘yan!” ani Christine Joy Barotil. “Iyong kalaro ko noon, bumili siya niyan tapos pumunta siya sa bahay namin na may dalang love letter tapos may hawak na singsing. Iyong love letter niya, si Papa at si Mama ang nakabasa.”

“‘Yan ang unang singsing ko,” pagbabahagi ni Cherry Singayan. “Kapag nakasuot ka ng ganiyan ay para bang ang yaman-yaman mo na noon hahahaha!”

Image capture from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: