Nostalgia: Ginagawa mo rin bang kuwintas ang mga dahon ng kamoteng kahoy?

Image via Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook
  • Simple lamang noon ang mga nagpapasaya sa mga bata, katulad na lamang ng mga dahon ng kamoteng kahoy na ginagawa pa nilang kuwintas
  • Sa post ng Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang kanilang “alahas” noon
  • May mga “young once” din na nagbahagi na hindi lamang kuwintas ang magagawa rito kung hindi pati na porselas at singsing

Gumagawa ka rin ba ng kuwintas mula sa mga dahon ng kamoteng kahoy noon?

Image capture from Facebook

Noong panahong wala pang modernong gadgets at popular digital games, simple lamang ang mga nagpapasaya sa mga bata–katulad na lamang ng mga dahon ng kamoteng kahoy na ginagawa pa nilang kuwintas.

Sa Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang kanilang mga “alahas” noon. May mga “young once” din na nagbahagi na hindi lamang kuwintas ang magagawa rito kung hindi pati na rin porselas at singsing.

“Iyan po ang isa sa accesories kapag ang laro ninyo ay bahay-bahayan at ikaw ang donya na puro alahas ang nakalagay sa katawan,” pagbabahagi ng social media user na si Remson Caparroso. “Dahon ng kamoteng kahoy ang kuwintas, hikaw ay dahon ng kaimito, ang relos ay gawa sa dahon ng buko, at ang singsing ay gawa sa sanga ng papaya na pinatuyo.”

“Oo, dumadayo pa kami sa kampo para makakuha ng dahon ng kamoteng kahoy at makagawa lang ng kuwintas, at pagkatapos ay lalagyan namin ng tingting para magdugtong sila,” pagbabalik-tanaw ni Hubbard Lauro.

“Yes, I did it! May bracelet at ring pa ‘yan. Tatanggalin pa ang dahon para mukhang pendant talaga,” kuwento ni ZLosar Abdu.

“Gusto ko ulit gawin,” ani Rammstein Monte Pavarotti. “Ang sarap balikan. I miss my childhood days.”

Image capture from Facebook

Ikaw, nami-miss mo rin ba ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa iyo noong bata ka? Nangungulila ka rin ba sa panahon ng mga “alahas” na yari sa dahon?