Netizens humanga sa isang Kapamilya reporter dahil sa patuloy na pagbabalita sa kabila ng makapal na ashfall

Imahe mula sa video ng ABS-CBN News via Facebook

Umani ng atensyon sa social media ang sitwasyon ng isang mamamahayag habang live na nagbabalita sa TV
• Ito’y dahil sa patuloy niyang pagpapahayag ng impormasyon sa kabila ng nararanasang matinding ashfall sa Talisay, Batangas bukod pa sa mga pagyanig ng lupa at pag-ulan
• Hindi rin maikubli ng ilang netizen ang paghanga sa reporter dahil sa kanilang nasaksihan

Pasado alas nuwebe kagabi nang ipalabas ang live report ng mamamahayag na si April Magpantay kaugnay sa pagsab0g ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa Twitter | Christelle Abel

Habang nagbibigay ng ulat, kapansin-pansin ang kalat kalat na putik na nasa jacket at maging sa mga kamay ni April. Maging ang hawak niyang mikropono ay marumi na rin dahil sa nararanasang matinding ashfall sa Talisay, Batangas.

Pero sa kabila nito, patuloy ang mamamahayag sa kanyang pag-uulat tungkol sa sitwasyon sa nasabing lugar — bagay na pumukaw sa atensyon ng maraming netizens.

Sa Twitter, nagpost ng screenshot ng report ni April ang isang netizen at nilagyan ng caption na “Grabe si Ate reporter”.

“The struggle is real” naman ang nasabi ng isa pang netizen na nagpost din ng mga naturang screenshots. Dagdag pa niya, patunay daw ito kung gaano ka-seryoso at kalala ang sitwasyon sa Taal. Bukod pa rito, hindi rin napigilang ipakita ng netizens ang paghanga kay April.

“Super hands up” at sumaludo ang ilan sa kanya habang ang iba naman ay tinawag siyang “brave soul” at “lodi”.

Imahe mula sa Twitter | K. March

Laman ng report ni April ang kasalukuyang sitwasyon sa Batangas kung saan makikita ang labis na pinsalang hatid ng pagsab0g ng Bulkang Taal. Nagsilikas na rin umano ang mga residente roon matapos maranasan ang ilang paglind0l bandang ala sais ng gabi. Aniya, nagmistula na ngang ghost town ang Talisay.

Naka-standby na rin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sakaling kailanganin ng mga residente ang kanilang tulong sa paglikas. Umaasa at nananalangin rin ang mga taga-Batangas na manunumbalik na sa normal ang sitwasyon ng Bulkang Taal sa lalong madaling panahon.