Nathalie Hart sa kanyang ‘angel’: Being a mother is the best experience in my life

  • Ang pagiging ina raw ang pinakamagandang bagay na naranasan niya sa kanyang buong buhay
  • Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilan sa mga unang litrato nila ng anak na si Penelope sa pagpasok ng Bagong Taon at hangad daw niya ang “200 more years” kasama ito
  • Matatandaang hinangaan noon ng marami si Nathalie nang ibahagi niya kung bakit mas pinili niyang magkaanak kaysa isantabi ang pagbubuntis para sa kanyang karera

Sa kabila ng mga karakter at proyekto na ginampanan at kinabilangan niya, ang pagiging ina raw ang pinakamagandang bagay na naranasan ng popular sexy drama actress na si Nathalie Hart.

Image capture from Instagram

Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilan sa mga unang litrato nila ng anak na si Penelope sa pagpasok ng Bagong Taon at hangad daw niya ang “200 more years” kasama ito. Ito ang unang Bagong taon niya kasama ang anak na isinilang noong Pebrero 2019.

“The first New Year with my daughter and 200 more years. Being a mother is the best experience in my life and I thank God for giving me such a beautiful angel,” saad niya sa caption ng mga larawang ini-upload niya.

Matatandaang hinangaan noon ng marami si Nathalie nang ibahagi niya kung bakit mas pinili niyang magkaanak kaysa isantabi ang pagdadalantao para sa kanyang karera; na noon ay nasa kasagsagan nito matapos niyang patunayan na hindi lamang siya biniyayaan ng magandang mukha at katawan, kung hindi pati na rin ng talento sa pag-arte.

“Naisip ko, ‘Ready na ba ako?’ But I never thought, ‘Ay, magpapalaglag ako, dahil I’m going to save my career.’ No way! Hindi ko iisipin ‘yon. Mas gusto kong mawalan ako ng career, at ituloy ko na lang ‘to, kaysa naman one day, I would regret ‘yong ginawa ko,” she said. “Ganoon ako mag-isip. I don’t want that. Baka umiyak lang ako.”

Image capture from Instagram

At ngayon, masayang-masaya si Nathalie sa biyaya ng pagiging isang ina.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: