Nailigtas man o hindi ang prinsesa, Super Mario tunay na pinasaya ang mga batang Pilipino

Image capture from Pii89's YouTube video
  • Hindi maitatanggi na isang masayang parte ng kabataan ng mga batang Pinoy ang digital game na Super Mario Bros.; simula sa mga karakter hanggang sa mga tunog mula rito
  • Sa post ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang naipon sa paglalaro ng Super Mario Bros.
  • Nailigtas man o hindi ang prinsesa, umabot man sa dulo o hanggang sa mga unang level lang, kabilang pa rin daw ang larong ito sa mga bumuo sa kanilang masayang kabataan

Maaari mo ba namang makalimutan si Mario at ang kanyang mga kaibigan?

Image capture from Facebook

Hindi maitatanggi na isang masayang parte ng kabataan ng maraming Pilipino ang digital game na Super Mario Bros.; simula sa mga iconic character nito hanggang sa mga hindi makalilimutang tunog mula rito.

Sa post ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang naipon sa paglalaro nila noon ng Super Mario; kabilang na ang saya, kaba, takot, at iba pang mga emosyong kanilang nadarama sa tuwing lalaruin ito. Nailigtas man o hindi ang prinsesa, umabot man sa dulo o hanggang sa mga unang level lang, kabilang pa rin daw ang larong ito sa mga bumuo sa kanilang masayang kabataan.

“‘Yong feeling na kakabahan ka rin ‘pag may lumalabas na malaking bibig sa butas, pati ikaw parang nahuhulog na rin ‘pag nahuhulog si Mario,” kumento ng Facebook user na si Nyleik F. Bagasbas.

“Super Mario pa rin ang favorite ko. Sa gameboy, palagi kong nilalaro noon, at sa family computer,” ani Xi Lei.

“Napapaangat ako riyan ‘pag tatalon na si Mario, e,” pag-aalaala ni Ainel Airevir.

May mga humingi rin ng tawad kay Mario na ilang beses nila itong naipapahamak at hindi man lang naging sapat ang tulong nila upang mailigtas nito ang prinsesa.

Image capture from Pii89’s YouTube video

Balikan! Sabay-sabay nating alalahanin ang ating mga “Mario memories” sa pamamagitan ng walkthrough video na ito na nagtatampok sa Super Mario Bros (1985):