
- Humigit-kumulang 15 taon na simula noong unang umere ang popular 2005 commercial ni Nikki Gil
- Sa television ad na ito, kumakanta ang noon ay 17 taong gulang pa lamang na si Nikki habang namimigay ng Coke sa mga nakakasalubong niya sa kalye
- Sa YouTube, binalikan ng marami ang commercial na nagbukas din ng maraming oportunidad para kay Nikki
Sino ang makalilimot sa popular 2005 Coke commercial ni Nikki Gil? Kinanta mo rin ba ang inaawit niya rito habang namimigay ng isang bote ng softdrinks sa kanyang mga nakakasalubong?

Mahigit-kumulang 15 taon na rin simula noong unang umere ang sikat na commercial na ito; ang television ad na nagbukas ng maraming pinto para sa noon ay 17 taong gulang pa lamang na si Nikki. Sa YouTube, may nag-upload ng video nito at hanggang ngayon, paminsan-minsan, ay pinanonood pa rin ito ng mga tao; nag-iiwan ng mga kumento, nagbabahagi ng mga kuwento.
“I miss this kind of commercials. I miss the Philippines. I miss the old celebrities. I miss the year 2000,” ani Andy Alv.
“OMG, noong grade 2 kami, we reenacted this commercial for a class performance. Hay, grabe, ang tagal na talaga! Parang kailan lang. Nakatutuwa naman, may nag-upload pa nito. I think this is a very nice commercial,” pagbabahagi ni Khris Fowler.
“Years ago, my cousin and I have a version of this and it was really funny,” kuwento naman ni Wilda Vlogs.
Sa isang panayam ilang taon pabalik, ibinahagi ni Nikki kung paano niya nakikita bilang isang biyaya ang kanyang 2005 commercial.
“I was a college sophomore. I was 17. It was so surreal. I didn’t expect that commercial to take me to where I am at right now. I really just wanted to be a commercial model then. I just wanted to do those short gigs. I only get to process everything now because it’s far, far away. Back then I couldn’t really take everything in. It was so overwhelming. But looking back I can see that it was really God’s hand moving everything and setting it into place,” aniya.

“The turn of events all happened so fast, and the opportunities that came my way were…opportunities that I didn’t deserve. Parang sa dami lang ng tao, it had to be me. And because of that one break, I’m where I am at right now,” pagpapatuloy ni Nikki.
Na-LSS ka rin ba? Balikan ang 2005 Coke commercial ni Nikki Gil: