Mula sama-sama hanggang kanya-kanya: Dalawang henerasyong pinaghiwalay ng teknolohiya

  • Dalawang henerasyon ng magkakaibang teknolohiya ang tampok sa isang larawan sa social media
  • Alamin kung saan ang mas pinili ng mga netizens na gusto nilang maranasan ng kanilang pamilya

Ipinanganak ka ba noong 80’s o mas nauna pang mga taon? Tiyak na naranasan mo ang nasa larawang ibinahagi ng Magsasaka Mabuhay Ka sa Facebook.  Para naman sa mga kabataang nakahiligan na ang gadgets nitong mga nagdaang dekada, malamang kasama rin kayo sa larawang kinabibilangan ng nasa “ngayon” sa larawan.

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

Dalawang henerasyong pinaghiwalay ng magkakaibang teknolohiya ang tampok sa larawan.

Noon, hindi lahat ng kabahayan ay mayroong telebisyon.  Kaya naman tuwing gabi, o walang pasok, puntahan agad ang mga magkakapitbahay sa bahay na may TV at makikinood.  Pagdating sa sala, kanya-kanyang hanap ng puwesto ang mga bulilit.  Ang iba nama’y nakasilip lang sa may bintana o pintuan. Parang nasa sinehan lang na sabay-sabay tumatawa sa mga nakatatawang eksena sa TV o ‘di naman kaya’y naiinis din sa ilang eksena.  Mas maraming nanonood, mas masaya.

Ngunit sa panahon ngayon na halos bawat bahay ay may sarili nang TV, hindi na nagkikita-kita ang mga magkakapitbahay pag gabi. Minsan pa’y maliban sa TV, ang bawat miyembro ng pamilya kahit bata pa ay may pinagkakaabalahan ng gadget at hindi na sila sabay-sabay na nanunood.  Magkakasama man ang pamilya sa iisang lugar, hindi na ito halos nag-uusap.

Nagpahayag ang mga netizens ng mas pipiliin nilang panahon.

“80’s ramdam mo ang bondingan ng bawat pamilya.  Kahit walang TV basta may radio lang sa bahay ok na.”

“Mas maganda noon.  Sa gabi bago matutulog kwentuhan muna.  Ngayon cp, TV, tablet ang inuuna. Halos wala ng time sa kuwentuhan.”

Imahe via Pexels

Mas ginusto ng mga netizens ang panahon noon dahil nagkakaroon ng oras ang bawat pamilya na mag-usap at may paggalang ang mga kabataan sa mas nakatatanda.  Ngayon, lahat ay abala sa gadget at mahirap na raw utusan ang mga bata.

Hindi na natin maiiwasan ang paglago ng teknolohiya kaya turuan na lang natin ang mga bata na limitahan ang paggamit nito at gabayan sila sa kanilang mga pinapanood.  Nasa pagtuturo pa rin natin ng mabuting asal ang magiging pakikitungo nila sa atin.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: