Mga gamit na lata ng coconut oil, ginawang dust pan para ibigay sa mga apektadong lugar sa pagputok ng Taal

Imahe mula kay George Javier via Facebook
  • Patuloy ang pagdagsa ng mga tulong para sa mga biktima ng pagputok ng Taal
  • Bukod sa mga kinakailangang relief goods, isa sa problema ring kinahaharap ay ang nagkalat na abo dulot ng matinding ashfall sa apektadong lugar
  • Kaya naman isang netizen ang nakaisip na i-recycle ang mga gamit na lata ng coconut oil upang gawing dust pan at maibigay sa mga apektadong lugar sa Taal

Kilala ang mga Pinoy sa ating pagkakaisa sa tuwing may kinakaharap na problema ang ating bansa o kung may nagdaang sakuna na hatid ng kalamidad.

Imahe mula kay George Javier via Facebook

At isa sa mga pagsubok ngayon na kinahaharap ng Pilipinas ay ang pagputok ng Taal volcano nito lamang nakaraang linggo. Nagdulot ito ng pagbuga ng bulkan ng ashfall na umabot sa mga karatig bayan at maski na rin sa Metro Manila.

Masama ang dulot ng pagkalanghap ng ashfall sa ating katawan, kaya naman maraming residente at mga alagang hayop sa Batangas, Laguna, at Cavite ang inilikas upang makaiwas sa pagkalanghap ng makapal na ashfall sa lugar. Ngunit ngayon ay humina na umano ang pagbubuga ng Taal ng abo.

Imahe mula kay George Javier via Facebook

Subalit mayroong isang netizen ang nag-aalala hindi lang sa pagkalanghap ng ashfall, kundi sa mga nagkalat na abo nito sa mga apektadong lugar. Hindi basta-basta ang paglilinis ng abo ng ashfall dahil ito ay mapanganib sa katawan at maski sa kapaligiran.

Kaya naman naisipan ni George Javier na i-recycle ang mga nagamit niyang malalaking lata ng coconut oil at gawin itong dust pan. At mga dust pan daw na ito ay kaniyang ipapaabot sa mga apektadong lugar ng pagputok ng Taal upang magamit na panglinis ng ashfall.

Imahe mula Facebook

Sa kaniyang FB post, humingi na rin si Javier ng donasyon upang ipangbili ng walis tingting at mga gamit na sako. “Para panggamit sa long term na paglinis at pagsasayos ng buhay ng bawat pamilya na apektado ng bulkang Taal,” ani Javier sa kaniyang post.

Para sa mga nais tumulong at magbigay ng donasyon, makipag-ugnayan lamang kay Javier sa kaniyang Facebook account.