Memories: Gumamit ka rin ba ng napakabangong talcum powder ng Cashmere Bouquet?

Image via ebay
  • Isa sa mga popular na pulbos noon ang talcum powder ng Cashmere Bouquet
  • Ginagamit ng matatanda man o mga bata, kilala ang brand na ito sa napakabangong amoy nito, na hindi na kailangan pang magpabango kapag nakagamit na nito
  • Sa Facebook group ng Memories of Old Manila, inalala ng marami ang paborito nilang pulbos at ang mga alaalang kakabit ng halimuyak nito

Natatandaan mo pa ba ang napakabangong talcum powder ng Cashmere Bouquet?

Image capture from Facebook

Isa sa mga popular na pulbos noon ang talcum powder ng Cashmere Bouquet. Ginagamit ng matatanda man o ng mga bata, kilala ang brand na ito sa pagkakaroon ng napakabangong amoy; na hindi na kailangan pang magpabango kapag nakagamit na nito.

Sa Facebook group ng Memories of Old Manila, inalala ng marami ang paborito nilang pulbos at ang mga alaalang kakabit ng halimuyak nito.

“Gamit din iyan ni Mother noon, ang bango,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si Marylea Miranda. “Madalas binubuhos ko ‘yan sa sarili ko. Ang bango ko kaya!”

“Ay, oo, mabango ‘yan. Gamit ko ang pulbos na ‘yan noong teenager pa ako. ‘Di mo na kailangan mag-perfume pa kasi parang halimuyak ng bulaklak ang bango,” kumento ni Marita Diamzon.

“Oo naman, kahit kaming 84 na nakagamit niyan. Iba ang bango, parang lagi kang bata,” kuwento ni Flor Salvador Sierra. “Pero matagal na, more than 25 years na wala akong nakita niyan, ‘di na nagamit ng mga anak ko.”

Samantala, ibinahagi ng isa sa mga miyembro na mayroon pa rin ganitong pulbos hanggang ngayon at nag-iba lamang ang lalagyan nito; sa halip na lata ay plastik na ang sisidlan nito.

Image capture from Facebook

Gusto mo rin ba muling makagamit ng pulbos na ito? Gusto mo lamang ba ang brand na ito o mayroong mga gunitang ipinaaalala sa iyo ang halimuyak nito?