‘May pinagdadaanan yata’: Pagse-‘senti mode’ ng aso nina Jason at Moira, kinaaliwan sa social media

  • Kinaaliwan sa social media ang facial expression ng aso ng mag-asawang sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez habang kumakanta sila ng “Ikaw at Ako”
  • Sa video na ini-upload nila sa Facebook, maging sina Moira at Jason ay napansin na para bang naka-“senti mode” ang kanilang aso
  • Kinaaliwan ito ng maraming social media users

“May pinagdadaanan yata ang aso namin,” saad ng popular singer na si Moira Dela Torre sa caption ng video na ini-upload niya.

Image capture from Facebook

Napansin kasi nila ng kanyang asawang si Jason Hernandez na para bang naka-senti mode ang kanilang alaga habang kinakanta nila ang “Ikaw at Ako”. Sa katunayan, pati ang mga netizens ay napuna rin ang facial expression ng aso.

“Ang cute ng dog. Nakikinig siya sa mala-anghel na boses mo,” wika ng Facebook user na si Anairb Hidalgo.

“Pati yong aso nadadala, parang pinanghihinaan,” ani Mary Rose Zausa Gregorio.

“Feel na feel ng dog iyong kanta. Nalulungkot din. Super cute, ang sarap yakapin,” kumento ni Rogie Magana-Co, sabay puri sa tandem nina Jason at Moira, “Nice duo. More music, please.”

May mga nagsabi rin na marahil ay inaantok ang kanilang alaga sa kanyang mala-anghel na tinig ng OPM artist at sa pagbe-blend nito sa boses ng kanyang kabiyak. Samantala, may mga napa-“sana all” at “sana ako na lang iyong aso” dahil napakasuwerte raw ng aso na sa tabi lamang niya kumakanta ang kanilang mga iniidolo pagdating sa musika.

At dahil kinaaliwan ito ng maraming social media users, sa loob ng ilang oras lamang ay nakakuha na ito kaagad ng mahigit 27,000 reactions at lampas 238,000 views. Mahigit isang libo na rin ang nag-iwan ng kumento at marami na ang nang-tag sa mga mayroon din alagang aso at nagsabi na baka nais nilang kantahan din ang mga ito ng mga awiting nakakakalma ang tono.

Image capture from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: