May mga pangalang ‘Mia’ maaaring makalibre sa screening ng pelikulang “Mia”

Mga imahe mula sa MIA: The Movie Facebook page
  • Ipapalabas na nitong Enero ang bagong romantic-comedy film nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman na “Mia”
  • Sa FB post ng MIA: The Movie page, inanunsyo nila na maaaring makalibre sa special screening ng pelikula ang may mga pangalang “Mia”
  • Mayroon din namang tsansa ang ibang Pinoy na hindi nagngangalang “Mia” na makakuha ng libreng tiket
Imahe mula sa MIA: The Movie Facebook page

Paano kung dahil lang sa iyong pangalan ay maaari ka nang makalibre sa panonood ng pelikula?

Ito ang magandang handog ng upcoming romcom film na “Mia” para sa mga Pinoy na mayroon ding pangalang “Mia.” Dahil sila ay may tsansang makadalo nang libre sa special screening ng nasabing pelikula.

Sa Facebook page na MIA: The Movie, inanunsyo na: “‘MIA’ BA ANG PANGALAN MO? Kung kapangalan mo si ‘Mia,’ may chance kang dumalo nang LIBRE sa National Mia Day na kung saan may special screening ng aming pelikula.”

Imahe mula kay Coleen Garcia via Instagram

Dagdag pa ng management, tanging mga babae lang umano na may pangalang “Mia” ang maaaring makatanggap ng libreng tiket. Limitado rin umano ang mga ipamimigay na libreng tiket na “first come, first served” basis.

May pagkakataon naman ang ibang Pinoy na hindi “Mia” na manalo at makakuha din ng libreng ticket. Bisitahin lamang ang FB page ng MIA: The Movie upang malaman ang mechanics para sa libreng tiket.

Ang pelikula ay pagbibidahan sa unang pagkakataon nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman sa direkyson ng award-winning director na si Veronica Velasco.

Imahe mula sa MIA: The Movie Facebook page

Susundan ng pelikula ang kuwento ni “Mia” na gagampanan ni Coleen, isang babaeng nalulong sa alak sa kagustuhang makalimutan ang naging mapait na karanasan. Sa kaniyang pagsisikap upang makalimot ay makikilala ni Mia si “Jay” na gagampanan ni EA Guzman.

Sa kanilang pagtatagpo ay tutulungan ni Jay si Mia upang malagpasan nito at makalimutan ang lahat ng kaniyang hindi magandang pinagdaanan. Tatalakayin rin umano ng rom com na ito ang mga isyu sa mining at climate change dito sa bansa.