‘Matiyaga, marunong maghintay’: Ogie binalikan ang humble beginnings ni Liza

  • Binalikan ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang naging simula ng sikat na sikat na ngayong aktres at itinuturing bilang isa sa pinakamagagandang aktres sa loob at labas ng bansa
  • Sa Instagram, ini-upload ni Ogie ang pinakapaborito niyang litrato nila ni Liza na kuha noong 2012 
  • Sa caption ng litrato, ibinahagi ni Ogie na noon pa man ay natutuwa na siya sa mga katangian ng aktres: matiyaga, hindi mainipin, at marunong maghintay 

Sa kaarawan ng popular Kapamilya star na si Liza Soberano, masayang binalikan ng kanyang manager na si Ogie Diaz ang humble beginnings ng sikat na sikat na ngayong aktres.

Image via Ogie Diaz | Instagram

Sa Instagram, ini-upload ni Ogie ang pinakapaborito niyang litrato nila ni Liza. Kuha ito noong 2012 at kitang-kita kung gaano siya kasimple noon. Aakalain mo ba naman na sa ngayon ay itinuturing na siyang isa sa mga pinakamagagandang aktres sa loob at labas ng bansa; idagdag pa ang talento nito sa pag-arte na talaga namang napatunayan na niya.

“Ito ang pinakagusto kong picture sa dami ng pics ko with @lizasoberano. Very memorable kasi ito, dahil first pic namin ito noong 2012. Napakasimpleng bata. Gusto niyang mag-modelo noon, pero mas kinumbinsi namin siyang mag-artista,” pagbabahagi ng talent manager, aktor, at broadcast journalist na si Ogie.

“Ilang beses kong pinabalik-balik si Liza to see me kasi gusto ko magpaliit pa siya nang konti at sunod naman talaga nang sunod si Liza sa kada iutos ko para din sa enhancement niya bilang baguhang artista. Nakakatuwa siyang bata kasi matiyaga siya, hindi nainip at marunong maghintay,” aniya.

At kung may mas ikinatutuwa pa si Ogie, ito ay ang hindi pagbabago ng ugali ni Liza sa kabila ng kasikatan.

“‘Yong ugaling mabait, naroon pa rin. ‘Yong priority ang family, naroon pa rin. ‘Yong mahal na mahal ang lola niya, naroon pa rin. ‘Yong hindi nagpi-primadona, humility ang lumulutang. Kaya ako na mismo mag-aangat sa kanya. Hindi dahil alaga ko siya, kun’di ganoon naman siya talaga,” wika niya.

Image capture from Instagram

Happy birthday, Liza!


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: