
- Isang aso sa social media ang sikat ngayon dahil sa pakikinig nito sa nagtatalong kapitbahay
- Mala-ninja nitong inakyat ang pader upang makita lamang ang nangyayari sa kabilang bakuran
- Nagdulot ng katatawanan sa mga netizens ang pangyayari
Bantayan natin ang ating mga aso at baka alam na nila ang mga sikreto natin sa buhay.

Isang video ngayon ng aso ang kinagigiliwan sa internet dahil sa pang-uusisa nito sa kanyang kapaligiran. Sa original post ni UKo Aung sa Facebook, makikita ang isang aso na may kulay puti at halong itim na balahibo ang unti-unting umakyat ng pader.
Ano naman kaya ang mayroon sa kapitbahay at nais nitong masilip ang mga nangyayari?
Sa audio ng video, may naririnig na tila babae at lalakeng nagtatalo at nagtataasan ng boses. Nakuha nito ang atensyon ni bantay at kahit na mahirap gawin ay tila mala-ninja nitong inakyat ang pader. Sa simula, nakatukod ang dalawang paa nito sa harap sa pader habang nasa katawan ng puno ng niyog naman ang dalawang paa sa likod.

Dahil mataas ang pader at hindi pa rin niya tanaw ang kabilang bakuran, dahan-dahang umakyat ito paitaas hanggang sa tanaw na nito ang kapitbahay. Pero sa posisyong iyon na inat na inat na ang kanyang katawan, mapapaisip ka kung paano siya bababa. Sa kasamaang-palad, hanggang doon lang din ang video at hindi na ipinakita ang mga sumunod na nangyari.
Ang orihinal na post ay nasa wikang Burmese na siyang opisyal na linguwahe ng mga taga-Myanmar. Ito ay pumalo sa 29K reactions, 1.6K comments at 38k shares.
Hanggang sa Pilipinas marami ang nag-share ng video na ito social media.
Naaliw ang mga netizens. May nagsabing. “I like this dog, I use it for spying my neighbors house, Hahaha. You have a skill dog.”
May aso rin ba kayong ganito? Ibahagi n’yo naman sa amin.