Magnolia Chocolait: Classic na chocolate drink sa bote, hinahanap-hanap pa rin ng marami

Images via Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook
  • Hinahanap-hanap pa rin ng marami ang classic bottled chocolate drink na Magnolia Chocolait
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang paborito nilang inumin noon na idine-deliver pa sa kani-kanilang mga bahay
  • Anila, nang makita nila ang inuming ito sa old school na lalagyan ay napakaraming bumalik na alaala sa kanila

Natatandaan mo pa ba ang bottled chocolate drink na madalas ipasalubong o ipabaon sa iyo dati? Naging paborito mo rin ba noon ang Magnolia Chocolait na nasa bote?

Image capture from Facebook

Hinahanap-hanap pa rin ng marami ang classic bottled chocolate drink na Magnolia Chocolait. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang isa sa mga pinakapaborito nilang inumin noon na idine-deliver pa sa kani-kanilang mga bahay. Anila, nang makita nila ang inuming ito sa old school na lalagyan ay napakaraming bumalik na alaala sa kanila.

“Nagpapasalamat ako sa Lola Helen ko kasi kahit mahirap lang kami, nakatikim ako nito dahil palagi siyang nagpapa-deliver sa bahay,”  wika ng Facebook user na si Awit Nuestro.

“Oo, bata pa ako noon. Naalala ko ulit, tatlong bote araw-araw, may nagdedeliver sa amin ng dalawang chocolate at isang gatas. ‘Tsaka ang mura pa noon. Wala pang P5, ang srap pa. Hahaha! Those were the days,” pagbabalik-tabaw ni Esara Mamerto.

“Iniiwan namin sa labas ang bote para malamang bibili kami, ta’s kakatukin kami ng naglalako para bentahan,” ani Keizie Punzal.

“Ang sarap niyan! Noong nagkatrabaho na ako, talagang bumibili na ako niyan. Tuwang-tuwa ‘yong kapatid ko kapag may dala ako, lalo ‘pag araw ng suweldo ko. Nakaabang na ‘yan lagi sa dala ko,” kuwento ni Rose Ergina.

“Original ‘yan! Breakfast namin ‘yan 50 years ago!” kumento ni Zenaida Flores.

Image capture from Facebook

Ikaw, naabutan mo rin ba ang classic na inuming ito? Hinahanap-hanap mo pa rin ba ito hanggang ngayon?