Luis Manzano nag-react sa litrato ng isang K-pop idol na sinasabing kahawig niya

Mga imahe mula Instagram
  • Pinag-uusapan ngayon online ang nakakatawang reaksyon ni Luis Manzano sa video ng isang miyembro ng K-pop group na Super Junior
  • Sa teaser video kasi na ito ay hindi maipagkakailang kahawig ng K-pop idol na si Choi Siwon si Luis
  • Maraming netizens ang nakakita ng pagkakahawig ng dalawa kaya naman napansin din ni Luis ang nasabing video

Sa panahon ngayon, mas marami nang Pinoy fans ang tumatangkilik at sumusubaybay sa mga paborito nilang K-pop group.

Imahe mula kay Luis Manzano via Instagram

Dahil sa layo ng bansang Korea, karamihan sa mga fans na ito ay nagtitiyaga na lamang sa panonood ng mga music videos ng kanta ng kanilang K-pop idols o ‘di kaya ay naka-follow at like sa pages ng mga nasabing grupo.

Simula nang naging popular ang social media ay mas marami nang K-pop groups ang nagkakaroon ng kanilang official accounts lalo na sa Instagram. Dito ay ibinabahagi nila ang mga litrato at video ng kanilang mga miyembro na inaabangan naman ng kanilang mga fans saan mang bahagi ng mundo.

Ngunit paano kung ang isang post ng K-pop group ay napansin din ng celebrity at nag-iwan pa ng comment?

Ito ang nangyari sa aktor at TV host na si Luis Manzano matapos siyang mag-react sa video ng isang miyembro ng kilalang grupong Super Junior.

Imahe kuha mula sa video ng Super Junior via Instagram

Sa teaser video kasi ni Choi Siwon, kilalang K-pop idol at aktor sa Korea, ay makikita ang malaking pagkakahawig nila ni Luis. Dahil maraming netizens ang nakapansin nito ay ibinahagi nila ang larawan sa iba’t ibang social media platforms.

Marahil ito ang dahilan kaya napansin din ng Kapamilya host ang nasabing video ni Siwon. Ang nasabing video ay ibinahagi ng Instagram account ng Super Junior upang i-promote ang kanilang upcoming album.

Sa video ay nag-iwan ng comment si Luis na: Paki balik po picture ko, thanks po.

Imahe mula Instagram

Marami namang netizens ang nag-react sa comment na ito ni Luis. Bukod pa sa comment ay nag-post din si Luis sa kaniyang IG ng mga litrato nila ni Siwon kung saan ay makikita ang pagkakahawig nila. Nilagyan pa niya ito ng caption na: Pambihira naman, @siwonchoi meet your twin from the Philippines Sipon Choi! Let’s collab bro.