Liza: 17 lang ako noong naging kami, ipinaglaban ko ‘yong relationship namin ni Enrique

  • Inamin ng aktres na si Liza Soberano na hindi naging madali ang naging simula ng relasyon nila ng kanyang ka-love team at kasintahang si Enrique Gil
  • Wika niya, 17 taong gulang lamang siya noong naging sila at hindi pa maaaring magkaroon ng nobyo
  • Ngunit ipinaglaban daw niya ang kanilang relasyon hanggang sa makuha nila ang basbas ng kanyang ama

Bagama’t hindi madali ang naging simula nila bilang magkasintahan, ipinaglaban daw ng aktres na si Liza Soberano ang pagmamahal niya sa kanyang ka-love team at boyfriend na si Enrique Gil.

Image via Liza Soberano | Instagram

Ayon sa ABS-CBN News, sa press conference ng ikaapat nilang teleserye nila na “Make It With You”, ikinuwento ni Liza na hindi pa siya maaaring pumasok sa isang relasyon noong naging magkasintahan sila ni Enrique dahil 17 taong gulang pa lamang siya.

“Siyempre, 17 lang ako noong naging kami, so ipinaglaban ko ‘yung relationship namin. Kasi bawal pa ako magka-boyfriend noon….Sabi ko sa daddy ko, ‘Masaya ako. Kung gusto mo ako maging masaya, papayagan mo ako,'” pagbabahagi ng aktres.

Sa kalaunan ay nakuha rin nila ang basbas ng kanyang ama at ngayon ay limang taon na silang magkasintahan at masaya sa isa’t isa.

Kamakailan ay kinumpirma ng dalawa na napag-uusapan na nila ang kanilang hinaharap, kabilang na ang pagpapakasal. Ibinahagi rin ni Enrique na may plano siyang magpatayo ng magiging bahay nila ni Liza sa hinaharap at ito raw ang isusunod niya kapag naipagawa na niya ang bahay para sa kanilang mag-anak.

“And then I’m going to be building with Hopie in Vermosa in the future,” wika ng aktor.

Sinabi rin niya na si Liza ay isang anghel sa lupa na nagbibigay ng labis na tuwa at pagmamahal kaya hangad niya ang magagandang bagay para sa kanyang real-life girlfriend. Wika pa niya, “You’re not just drop dead gorgeous, babe, you’re the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just too good to be true.”

Image capture from Instagram

Loading...
Source :

ABS-CBN, Buzz DF

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: