Larawan na may natatapakang tao si Mayor Vico, kinaaliwan sa social media

  • Matagumpay na ginanap ang taunang Bambino Festival sa Pasig City nitong nakaraang linggo
  • Masayang nakilahok dito ang kasalukuyang alkalde ng bayan na si Mayor Vico Sotto
  • Kinaaliwan sa social media ang isang larawan na nagpapakitang nakatapak si Mayor Vico ng paa ng isang babae

Sa pagsapit ng bagong taon, isa sa mga inaabangan nating mga Pinoy sa mga susunod na araw at buwan ay ang masasayang selebrasyon ng mga kapistahan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Imahe via LUIGI’S VLANG | YouTube

At nito ngang nakaraang Linggo lamang ay ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto. Niño. Ito ay taun-taong pinakainaabangan sa Cebu, Pasig, Maynila at iba pang lugar.

Sa Pasig ay tinatawag itong Bambino Festival na kung saan ay ipinapakita sa prusisyon ang iba’t-ibang imahe ng Sto. Niño o “Blessed Child”.

Bukod sa mga Pasiguenos ay dinaluhan at nakisaya dito ang kasalukuyang alkalde ng siyudad na si Mayor Vico Sotto at iba pang mga kawani ng gobyerno sa Pasig.

Maliban sa mga in-upload na videos at larawan ng mga kaganapan sa pagdiriwang na ito, pumukaw ng atensyon ang Facebook post ng isang netizen kung saan makikita si Mayor Vico na binabasa ng tubig.

Imahe via Jeryl Leo Salvador Mabaquiao | Facebook

Bukod dito ay partikular na makikita ang pagkakaapak ng alkalde sa paa ng isang babae na may kargang bata.

Higit na kinaaliwan ng mga netizens ang hitsura ng nasabing babae na tila nasasaktan sa pagkakaapak sa kanyang paa.

Ang nasabing larawan ay shinare din sa Twitter ng isang netizen na may caption na: “Akala ko ba walang tinatapakang tao si Mayor Vico Sotto? Hahahaha!”

Imahe via Rhadson Mendoza | Facebook

Ang nakatutuwang imahe na ito ay nakatanggap ng maraming shares at likes sa social media. Habang ang ilan naman ay mayroon ding hugot lines.

“Me: trying to be happy even if it hurts”

Hahaha! Literal na tapak @VicoSotto

“Ramdam mo yung smirk e hahaha!”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: