
- Sa mga mababang lugar, kadalasa’y bumab
aha matapos ang malakas na pag-ulan - Kanya-kanyang diskarte ang mga Pinoy sa pagtawid sa tubig kahit na mapang
anib - Tinali ng isang lalake ang kanyang tsinelas sa platstik na upuan at siyang ginamit na pantawid sa tubig
Tuwing umuulan, malamang baha agad ang kasunod nito.

Hindi nararapat ang paglusong dito. Base sa report ng Red Alert, ipinahayag ng Wilderness Search and Rescue Philippines na maski sa anim na pulgadang taas ng tubig, maaari ka nang tangayin nito. Puwede rin tayong makakuha ng sakit na Leptospirosis.
Minsan din may mga kawad ng kuryente na hindi natin mapapansing nalaglag na pala sa tubig. Puwedeng makuryente ang sinumang makalapit dito. Sabay rin sa agos ng tubig ang mga maliliit na bato o basag na bote. Kaya’t hangga’t kaya, iwasan nating lumusong sa tubig baha. Subalit sadyang may mga pagkakataon na kailangan pa rin nating ituloy ang ating mga ginagawa sa araw-araw kaya’t para-paraan na lang upang maitawid pa rin natin ang mga gawain.
Sa tubig na hindi naman kataasan, malaking tulong ang pagsusuot ng bota dahil hindi mababasa ang ating mga paa. Paano naman kung wala kang bota?
Nagbigay ng ideya ang isang post sa social media ng Ronescape kung saan makikitang tinali ng isang mamamayan ang mga tsinelas sa plastik na upuan at siyang ginawang talampakan para sa sapin sa paa. Nakatatawa man, mukhang nakatulong naman ito.

Nagbigay naman ng paalala ang isang netizen dahil baka mabali ang plastik na upuan. Mukhang manipis pa naman ito. Minsan din hindi na natin makikita kung saang banda ang mga kanal dahil natabunan na ito ng kulay putik na tubig kaya’t ibayong pag-iingat ang kinakailangan.
“Kapag bago pa ang tsinelas,” kumento ng isa pang netizen. Totoo nga naman. Kapag bago pa ang ating sapatos o tsinelas, ingat na ingat tayo para hindi madumihan.
Sa kabila ng lahat, pinakamainam pa rin ang manatili na lang sa ating mga bahay para makaiwas sa disgrasya. Hintayin muna nating bumaba ang tubig bago lumabas.