‘Kung wala si Tito Ogie, walang Liza Soberano’: Liza, pinasalamatan ang kanyang ama sa industriya

Images via Ogie Diaz and Dindo M. Balares | Instagram/Facebook
  • Pinasalamatan ni Liza Soberano ang kanyang manager at itinuturing na ama sa industriya na si Ogie Diaz
  • Sa Facebook post ni Dindo Balares, ibinahagi niya ang naging mensahe ni Soberano sa kaarawan ni Diaz
  • Aniya, bagama’t pinaghirapan niya ang karera bilang artista, kung wala raw ang kanyang “Tito Ogie” ay tiyak na wala ring Liza Soberano

Sa kabila ng tinatamasang kasikatan, hindi nakalilimutan ng aktres na si Liza Soberano kung paano siya tinulungan at ginabayan ng itinuturing niyang ama sa industriya na si Ogie Diaz.

Image capture from Facebook

Sa Facebook post ng beteranong entertainment reporter at editor na si Dindo Balares, ibinahagi niya ang naging mensahe ni Soberano para sa ika-50 kaarawan ni Diaz.

Wika raw ng LizQuen other half, bagama’t pinaghirapan niya ang karera bilang artista, kung wala raw ang kanyang “Tito Ogie” ay tiyak na wala rin siya ngayon sa industriya.

“Kung wala si Tito Ogie, walang Liza Soberano,” aniya. “I mean, I worked for who I am now pero si Tito Ogie ang nag-open ng door ng opportunities sa akin sa showbiz.”

Ani Balares, na isa sa pinakamalalapit na kaibigan ni Diaz, hindi naging madali ang naging simula ng aktres na noon ay trese anyos pa lamang. Mabuti na lamang at mayroon itong mabuting pag-uugali.

“Hindi madalian ang pagsikat ni Liza. Alam ni Ogie sa unang tingin pa lang niya na sisikat si Liza…pero laking US nga ang dalaga kaya pinag-aral muna ni Ogie na maging fluent sa Tagalog. At saka 13 anyos pa lang siya noon, awkward age, kaya naghintay sila ng tamang pagkakataon. Obedient si Liza, unlike sa ibang naging alaga rin ni Ogie na masyadong nagmamadali, kaya hinog sa puno. Suwerte sina Ogie at Liza sa isa’t isa,” kuwento niya.

Kamakailan ay ibinahagi rin ni Diaz kung gaano siya natutuwa at humahanga sa kanyang alaga at anak-anakan.

Image capture from Instagram