Kim Chiu, halos kalahating milyon ang halaga ng suot na OOTD sa Amsterdam airport

Imahe mula kay Kim Chiu via Instagram
  • Kamakailan ay nagbakasyon ang magkasintahang sina Kim Chiu at Xian Lim sa Europe
  • Ibinahagi ni Kim sa kaniyang social media ang iba’t ibang larawan nila ni Xia sa nangyaring bakasyon
  • Napansin naman ng mga fans sa mga larawan ang mamahaling suot at gamit ni Kim na nagkakahalaga umano ng mahigit kalahating milyon
Imahe mula kay Kim Chiu via Instagram

Tuwing holidays, asahan nang maraming tao ang magbabakasyon dahil na rin sa haba ng walang pasok sa eskuwela at trabaho.

Mapa-out of town man o out of the country, doble ang mga turistang nagbabakasyon tuwing holidays, ordinaryong tao man, politicians, at celebrities. At tuwing Pasko at New Year, kabilang sa mga balita ang mga mga plano ng mga celebrities tungkol sa kanilang bakasyon at kung saan sila pupunta.

Imahe mula kay Kim Chiu via Instagram

Malimit sa mga artista ang pumupunta sa ibang bansa upang magbakasyon tuwing holidays. Dahil afford naman nila ito, sa mga malalayong bansa ang malimit nilang pinupuntahan.

At kahit nasa bakasyon, marami pa rin sa mga artista ang kailangang nakaporma nang maayos at ina-upload nila ang mga litrato ng kanilang bakasyon sa social media upang maibahagi sa mga fans.

Tulad na lamang ng Kapamilya actress na si Kim Chiu na nakapukaw ng atensyon ng maraming netizen dahil sa kaniyang Instagram posts.

Imahe mula kay Kim Chiu via Instagram

Kamakailan ay nagkaroon ng Europe trip sina Kim Chiu at nobyo nitong si Xian Lim. Ang litrato ng kanilang mga bakasyon ay ibinahagi ng dalawa sa kanilang IG accounts, mula sa airport hanggang sa mga lugar na pinuntahan.

Ngunit ang mas nakapukaw sa atensyon ng marami ay ang litrato ng OOTD o outfit of the day ni Kim sa airport ng Amsterdam.

Ang mga damit at gamit kasi ni Kim ay nagkakahalaga umano ng halos kalahating milyong piso na. Mula sa kaniyang black and white Houndstooth Fantaisie Jacquard knit pants (US$2,900 o PHP148,336), Dior sweater (US$2,150 o PHP109,973), Alexander McQueen sneakers (US$375 o PHP19,057.50), at Louis Vuitton bag (US$3,590 o PHP185,574).

Imahe mula kay Kim Chiu via Instagram

Ang mga presyo ng damit ni Kim ay makikita umano sa website ng mga clothing line. Humanga naman ang mga fans ni Kim sa glow up at high-fashion OOTD ng dalaga.

Sobrang sweet naman ni Kim at ni Xian sa mga litrato na ibinahagi ng chinita princess, at nilagyan pa niya ito ng caption na: “Collecting memories together! Anywhere in the world with you!”