Kilalanin ang oldest Taal evacuee at ang kanyang mga kwento ng mga nagdaang pagsabog ng bulkan Taal

Imahe mula kay Mhonee Cuevas Morada | Facebook
  • Ang pinakamatandang evacuee nito lamang nakaraang pag-alburoto ng Bulkang Taal ay si Lola Matilde Alcantara
  • Si Lola Matilde at ang kanyang pamilya ay taga Taal, Batangas
  • Ibinahagi niya ang kanyang karanasan noong mga nakaraang pagsabog ng bulkan

Si Lola Matilde Alcantara na may edad 107 years old ang pinakamatandang survivor sa kamakailan lamang na naganap na phreatic eruption ng Bulkang Taal.

Imahe mula kay Mhonee Cuevas Morada | Facebook

Batay sa istorya ng ABS-CBN, sa Taal, Batangas nagmula ang pamilya Alcantara, at bilang isa sa mga pamilya na kinailangang lumikas, sila ay pansamantalang tumutuloy sa isang apartment sa Bauan, Batangas.

Sa interview na isinagawa ng reporter na si Jonathan Magistrado, ibinahagi din ni Lola Matilde ang mga kaganapan noong mga nakaraang pagsabog ng bulkan.

Ayon dito ay hindi nagsipaglikas ang mga tao sa pulo noong 1965 kung saan ay mayroong naitalang 200 residente ang sinawimpalad noon. Kung kaya naman mas grabe ang pinsala ng taong iyon kumpara noong 1977.

Sa kanilang pansamantalang nilipatan sa Bauan, Batangas ay nasa apat silang pamilya, na sa kabuuan ay 23 indibidwal.

Imahe mula kay Mhonee Cuevas Morada | Facebook

Ayon pa sa pamilya ay maraming tulong ang natatanggap ng kanilang pamilya kagaya na lamang ng walang bayad nilang pagtuloy sa pansamantalang tinitirhan.

Sa kasalukuyan ay nakababa na sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal at nagsipagbalik na ang ilang bakwit sa kanilang mga tahanan.

Maraming netizens ang nagbigay pugay kay Lola Matilde at namangha sa pagiging malakas nito sa kabila ng kanyang edad.

Imahe mula kay Mhonee Cuevas Morada | Facebook

“God bless lola! Kung nabubuhay lang ang mamay at nanay, marahil nasaksihan pa ulit nila ang pagputok ng bulkan.”

“Bigyan pa po sana kayo ng mahabang buhay lola!”

“Kasarap ng may magulang pa, sana humaba pa buhay ninyo para sa mga anak, apo at apo sa tuhod. God bless, Nanay Tending”